Florante at Laura

Pangunahing Tauhan

§  Florante – ang pangunahing bida ng Florante at Laura, at halos lahat ng mga bahagi ng salaysay ay umiikot sa kanya. Anak ni Duke Briseo, siya ay ang mang-iibig ni Laurang Prinsesa ng Kaharian ng Albanyang namataan ni Florante bago siya sumabak sa isang digamaan nang ang bayan ng kanyang inang, si Prinsesa Floresca, Krotona ay sinakop ng mga Morong Persyano. Mula sa kagitnaan hanggang sa bandang katapuasan ng salaysay, siya ang nagsasalaysay. Ito ay isinasalaysay niya kay Aladin, ang Morong nagligtas sa kanya mula sa mga leon nang siya ay nakagapos pa dahil sa Konde Adolfo.
§  Konde Adolfo – isa sa mga pangunahing kontrabida nito. Anak siya ng Konde Sileno, at pareho silang nagmula sa Albanya. Unang nagkita sina Konde Adolfo at Florante sa Atenas kung saan nag-aral sila pareho. Nangangagwat ang kanilang gulang nang dalawang taon, kung saan si Adolfo ang mas matanda. Noong kakarating pa lamang ni Florante sa Atenas, si Adolfo ang pinakasikat na mag-aaral doon. Ito ay buhat ng kanyang angking talino at "kabaitan". Ngunit habang tumatagal ang panahon, unti-unti ring napunta kay Florante ang kapurihan ni Adolfo. At dahil dito, pinagtangkaan pa nga niyang patayin si Florante sa isang dula-dulaan, na nagdulot ng pagkakita sa lahat ng kanyang pagbabalat-kayo, at pagpapaalis sa Atenas pabalik ng Albanya sa ilalim ng utos ng kanyang gurong si Antenor.
§  Aladin – isang Morong Persyanong tumulong kay Florante, at nagligtas ng kanyang buhay. Ang kanyang ama ay si Sultan Ali-Adab na siya ring umagaw sa kanyang kasintahang si Flerida. Si Aladin at Florante ay nagkita nang hindi sinasadya, at karamihan ng mga bahagi ng awit ay isinasalaysay sa kanya ni Florante. Siya rin ang idolo ni Florante bilang pinakamagaling na mandirigma, ngunit sa kanilang pagkikita ay hindi alam ni Florante na ang kausap niya ay si Aladin, ang kanyang idolo. Sa katapusan ng awit, nang mamatay ang Sultan Ali-Adab ng Persya, siya na ang naging sultan.
§  Laura – ang minamahal nang lubos ni Florante. Anak ng Haring Linceo ng Albanya, siya ang prinsesa ng kahariang ito. Siya ay nagmamay-ari ng lubos na kagandahang ipinuring lubos ni Floranteng nadulot sa kanyang umibig kay Laura sa unang pagkakakita pa lamang.
§  Sa simula ng awit, siya ay ikaluluksa ni Florante dahil sa kanyang pag-aakala na nililo Laura sa pagpapalit sa kanya kay Konde Adolfo.
§  Menandro – ang matalik na kaibigan ni Florante sa Atenas na lumigtas din ng buhay ni Florante mula sa mga tagang nakakamatay ni Adolfong kanyang tinaga nang kanyang tangkaing patayin si Florante sa isang dula-dulaan nila sa kanilang paaralan sa Atenas. Bukod pa sa pagliligtas ng buhay niya, marami pa siyang ginawa para kay Florante, at noong sinakop ang Albanya nang makailang ulit, kasama siya ni Florante sa pakikibaka.
§  Flerida – ang kasintahan ni Alading inagaw mula sa kanya ni Sultan Ali-Adab. At sa pagpapangakong pagpapakasal sa Sultan, napagpabago niya ang isip nito sa pagbitay kay Aladin. Ngunit sa katotohanan, hindi niya tinupad ang pag-aako, at tumakas sa araw ng kasal.

Iba pang Tauhan

§  Duke Briseo – ang maarugaing ama ni Florante, at naglilingkod bilang sariling tanungan ng Haring Linceo ng Albanya. Siya ay pinatay at ipinaghagisan ang bangkay nito ng mga alagad ng Konde Adolfo nang kanyang agawin ang trono ng Haring Linceo.
§  Prinsesa Floresca – ang ina ni Florante. Siya ay mula sa bayan ng Krotona, at maaagang namatay, na nagdulot sa pag-uwi ni Florante mula sa Atenas pabalik ng Albanya.
§  Antenor – isang guro sa Atenas nina Florante, Konde Adolfo at Menandro.
§  Menalipo – pinsan ni Florante. Iniligtas niya si Florante mula sa isang buwitreng dadagitin siya sana nang siyang isang sanggol pa lamang gamit ang kanyang pana at busog. Ipinapakita nito na si Menalipo ay higit na mas matanda kaysa kay Florante.
§  Konde Sileno – ang ama ni Konde Adolfong ayon kay Florante ay marangal.
§  Haring Linseo – ang hari ng Kaharian ng Albanya, at ama ni Laura. Ang kanyang pamumuno ay nagtapos nang mayroong kumalat na usap-usapan tungkol sa pag-uutos daw niyang harangin ang imbakan ng trigo upang gutumin ang mga tao ng Albanya. Ang usap-usapang itong pinasimulan ni Konde Adolfo ang nagpaalab ng mga damdamin ng mga tao sa Albanyang nagdulot sa pag-aaklas nila. Ang pag-aaklas namang ito ang ginamit ni Konde Adolfo upang maiupo ang sarili sa trono.
§  Sultan Ali-Adab – ang sultan ng Persyang umagaw sa kasintahan ni Alading si Flerida. Siya ay isang malupit na ama. Pinatawan niya ng kamatayan si Aladin, ang kanyang anak, dahil daw sa pagkatalo niya sa Persya, ngunit ang totoong dahilan dito ay upang makuha niya si Flerida mula sa kanyang anak. Ngunit hindi natuloy ang pagbitay kay Aladin, nang nangako si Flerida na kanyang pakakasalan ang Sultan, isang pangako na hindi rin natuloy nang tumakas si Flerida sa mismong araw ng kasal; ang naging hatol na lamang kay Aladin ay pagpapatalsik mula sa Persyang kailanman ay hindi niya mababalikan.
§  Osmalik – ang heneral ng hukbong Persyanong sumakop sa Krotona sa ilalim ng utos ni Aladin.
§  Miramolin – pinuno ng mga mananakop ng Albanya mula sa Turkiya.


Buod

Sa simula ng awit ay makikita ang isang binatang nakagapos sa isang puno ng higera sa gitna ng malawak na gubat sa labas ng kahariang Albanya na pinamumugaran ng mababangis na hayop, nakalulunos na huni ng mga ibon, naglalakihang mga punong-kahoy na may masasangsang na amoy. Ang binatang ito ay si Florante, anak ng mag-asawang Duke Briseo at Prinsesa Floresca na kapwa taga-Albanya. 

Nagkataon namang sa gubat ding yaon ay napadako ang isang Morong taga-Persya na anak ni Sultan Ali-Adab na dahil sa sama ng loob sa kanyang ama sa pagkakaagaw sa pag-ibig ng kanyang kasintahan ay umalis sa sariling bayan. Ang mga panaghoy ng nakagapos ay tungkol sa mga kasamaang nangyari sa kanyang bayan, ang pagkawala ng kanilang mga karapatan, ang pangingibabaw ng katiwalian laban sa kabutihan, ang akala niyang pagtataksil ni Laura, ang pagkapatay sa hari at mga kabig nito kasama na ang kanyang ama ay narinig na lahat ni Aladin kaya tinunton niya ang boses na pinanggalingan ng pananaghoy at gaano ang pagkamangha niya nang makitang sisilain na lamang ng 2 leon ang binata. Hindi siya nagdalawang-isip bagamat magkaaway ang kanilang bayan at hindi sila magkarelihiyon. Hindi siya nagatubiling patayin ang 2 leon na nakaambang na silain si Florante. Pagkatapos na mailigtas niya ang binata ay kinalagan niya ito ng gapos at pinagyamanan sa buong magdamag. 

Kinabukasan hiniling ni Aladin kay Florante na nais niyang malaman kung bakit siya napapunta sa gubat. Hindi naman nag-atubili ang una kaya’t isinalaysay niya kung taga-saan siya, ang mahahalagang pangyayari noong siya’y bata pa at nang siya’y 11 taong gulang na ay ipinadala sa Atenas upang mag-aral. Dito niya nakilala ang kababayang si Adolfo, anak ni Konde Sileno ay tampulan ng paghanga ng kanyang mga guro, sampu ng kanyang mga kamag-aral dahil sa katalinuhan ay kagandahang-asal. Subalit sa loob ng 6 na taong pag-aaral ni Florante ay nahigitan niya si Adolfo at dito na nahubdan ng balatkayo at lumabas ang tunay na pagkatao nito. Lalo itong nahalata nang minsang magtanghal sila ng dula at sa halip na sundin ang iskrip ay tinutoo ni Adolfo na ulusin ng taga si Florante, salamat na lamang at nailigtas siya ni Menandro, ang pamangkin ng gurong si Antenor. Kinabukasan ay pinauwi na si Adolfo sa Albanya. 

Samantala, namalagi pa si Florante ng 1 taon sa Atenas hanggang tumanggap siya ng sulat buhat sa ama na nagbabalitang namatay ang kanyang mahal na ina. Laking sama ng loob ang idinulot nito sa kanya. Pagkalipas ng 2 buwan ay isang sulat ang kaniyang tinanggap na nagsasaad na umuwi na sa Albanya. Nagkataon naman nang umuwi si Florante ay nanghihingi ng saklolo ang hari ng Krotona na nuno niya sapagkat ang bayan nila ay sinasalakay ng hukbo ng Persyanong si Heneral Osmalik. Ipinakilala ni Duke Briseo si Florante kay Haring Linceo at sa pagpupulong ng mga pinuno ay nagpagpasiyahang si Florante ang namumuno sa hukbong magtatanggol sa Krotona. 

Samantalang nasa palasyo si Florante, ay nakilala at naakit siya sa kagandahan ni Laura, anak ng Hari at hindi tumugot hangga’t hindi niya naipagtapat ang kanyang niloloob at bago siya nakipagdigma ay nagkaroon naman ng liwanag ang kanyang niluluhog. 

Naglaban si Florante at Heneral Osmalik at sa loob ng 5 oras na paglalaban ay nagapi niya ito. Limang buwan pa siyang nanatili sa Krotona. Nais niyang bumalik agad sa kanyang bayan sapagkat sabik na sabik na siyang makita si Laura. Pagdating niya sa Albanya ay namangha siya sapagkat ang bandilang nakawagayway sa kanilang bayan ay bandila ng mga moro at lalo siyang nagulat nang magpasino niya ang babaeng pupugutan na lamang ng ulo. Nabawi niya ang Albanya sa pamumuno ni Aladin, nailigtas niya ang nasa bilangguang sina Hari Linceo, Duke Briseo at Adolfo. Muling sinalakay ng pangkat ni Miramolin ang Albanya ay nagaping muli ni Florante ang mga kalaban. Labimpito lahat ang hari na napasuko ng binata. 

Isang araw samantalang nasa Etolya si Florante ay tumanggap siya ng sulat mula sa hari na nagsasaad ng madaling pagbalik niya sa Albanya. Hindi niya akalain na pagdating niya ay dinakip agad ng 30,000 sandatahan ay dali-daling ikinulong sa bilangguan. Ang lahat pala ng naganap sa palasyo, ang pagpatay sa hari at Duke Briseo ay pakana ni Adolfo. Ikinulong si Florante ng 18 araw ay pagkatapos ay ipinag-utos na igapos sa loob ng gubat upang doon kainin ng mga mababangis na hayop. Dalawang araw na siya sa gubat nang matagpuan siya ni Aladin. 

Pagkatapos ni Florante ay si Aladin naman ang nagsalaysay ng kaniyang buhay. Anak siya ni Sultan Ali-Adab ng Persiya at kaya siya napadpad sa gubat na iyon ay dahil sa sama ng loob sa kanyang ama na umagaw sa kanyang kasintahang si Flerida. Upang masarili ng Sultan ang dalaga ay humanap ito ng butas upang siya ay maparusahan. Ginawang dahilan nito ang pagkaiwan ni Aladin sa hukbo at sa pagbawi ni Florante sa Albanya. Hinatulan ng sultan ang sariling anak na pugutan ng ulo. Subalit hindi natuloy ito sapagkat nang gabing ito ay pinatapon siya sa malayong lugar ay pinagbilinang kung nais pa niyang mabuhay ay huwag na siyang magbalik sa Persya kailanman. Kaya simula noon ay 6 na taon na siyang naglalagalag. 

Habang nagkukuwentuhan sina Florante at Aladin ay may narining silang nag-uusap na 2 babae. Ang sabi ng isa, nang malaman niyang papupugutan ang kanyang kasintahang nasa bilangguan ay pumayag siyang pakasal sa Sultan. Pinawalan naman ito, subalit nang gabi ring iton ay nagbalatkayo siyang gerero at tumakas. Marami na ring taong siya ay naglilibot hanggang magtagpo silang 2 sa gubat. Anong laking tuwa nina Florante at Aladin nang malamang ang nagsisipag-usap pala ay sina Laura at Flerida. 

Isinalaysay naman ni Laura ang nangyari sa Albanya, samantalang nasa ibang bayan si Florante – ang pagkakagawa ni Adolfo sa trono, ang pagpugot ng ulo ng hari at sa mga kabig nito. Sinabi niyang pinadalhan niya ng sulat si Florante upang ipahatid ang nangyari sa Albanya subalit ang natanggap ni Florante na sulat ay sa hari na mahigit na nagbibiling umuwi siya sa Albanya. Ito ang naging paraan kung paano nadakip si Florante. Samantala humingi si Laura ng 5 buwang taning upang pag-aralan ang iniluluhog na pag-ibig ni Adolfo, kaya nang wala nang paraan upang mahimok si Laura ay dinala ito sa gubat upang pagsamantalahan. Nagkataon naman siyang pagdating ni Flerida kaya nang makita niya ang kabuktutan ni Adolfo ay pinana niya si Adolfo hanggang ito ay mamatay. 

Habang nag-uusap ang 4 ay siya namang pagdating ng hukbo ni Menandro na ang hanap ay si Adolfo. Nagsigawan ang hukbo nang nalaman buhay si Florante at Laura. Hindi nagtagal at nakasal ang 2 at naging hari at reyna sa Albanya. Samantala sina Aladin at Flerida, matapos magpabinyag ay pinag-isang dibdib at umuwi sa Persya upang doon mamuno sa sariling bayan.

No comments:

Post a Comment