Kabanata XXXI
Ang Sermon
Buod
Pinatunayan ni Padre Damaso na kaya niyang magsermon sa wikang
kastila at Tagalog. Ang pambungad na sermon ay hinalaw sa Aklat II, Kabanata
IX, Salaysay 20 mga salitang winika ng Diyos sa pamamagitan ni Estres ng
nagsasaad ng:Ibinigay mo sa kanila ang iyong mabuting espiritu upang silay’y turuan,
hindi mo inaalis sa kanilang bibig ang iyong tinig at binigyan mo sila ng tubig
mapawi ang kanilang pagkauhaw" Humanga si Pari Sibyla sa pagkabigkas
ni Padre Damaso at si Padre Martin ay napalunok ng laway dahil sa alam niyang
higit na maagaling ang pambungad na iyon sa kanyang sariling sermon.
Nagpugay ang ari sa mga nagsimba. Lumingon siya sa likod at
itinuro ang pintong malaki. Inakala ng sakristan yaon ay isang pagturo sa kanya
upang isara ang lahat ng mga pintuan. Nagalinlangan anp alperes, iniisip niyang
tatayo at aalis na. Ngunit, hindi niya magawa sapagkat nagsisimula ng magsalita
ang predikador. Sinabi ni pari Damaso na kanyang binitiwan ang mga
pananalita ng diyos upang maging kapakikapakinabang na tulad ng isang binhing
umuusbong at lumalaki sa lupain ng banal na si francisco. Hinikayat niya ang
mga makasalanan na tularan ang mapagwaging si gideon, ang matapang na si David,
ang mapagtagumpay na si Roldan ng kakkristiyanuhan, ang guwardiya sibil ng
langit. Nakita ni ari Damaso na napakunot – noo ang alperes sa kanyang
tinuran. Kung kaya’t sa malakas na tinig, sinabi ni Damaso na "opo,
ginoong Alperes, higit na matapang at makapangyarihan bgamat walang armas kundi
isang krus na kahoy lamang. Natatalo nila ang mga tulisan ng kadiliman at lahat
ng kampon ni Lucifer. Ang mga himalang likhang ito ay tulad ng paglikha kay
diego de Alcala."
Ang mga bahaging ito ng sermon ay ipinahayag ni Pari damaso sa
wikang Kastila, kaya hindi maiintiihan ng mga Indiyo. Ang tanging naunawaan ng
karamihan ay ang salitang guwardiya sibil, tulisan, San
Diego at San Francisco. Umasim din ang muha ng alperes, kaya inakala
ng marami na pinagalitan siya ni Pari Damaso dahil sa hindi pagkakahuli nito sa
mga tulisan. Nang mabanggit naman niya ang tungkol sa patente upang
tukuyin ang pagwawalang – bahala ng mga tao sa kasalanan, isang lalaki ang
namumutlang tumindig at nagtago sa kumpiskalan. Nagbebenta kasi siya ng alak at
madalas na usigin siya ng mga karabinero dahil sa hinihingan siya ng
patente.
Inaantok ang mga nakikinig. Si Kapitan Tiyago ay napahikab.
Samantala, si Maria ay hindi nakikinig sa sermon sapagkat abala siya sa
pagtingin sa kinaroroonan ni Ibarra na malapit lamanng sa kanya. Nang simulan
na sa tagalog ang misa, ito ay tumagal ng tumagal. Lumilisya na si Padri Damaso
sa sermon niya sapagkat puro panunumbat, sumpa, at pagtutungayaw ang
isinasumbulat niya. Dahil dito,pati si Ibarra ay nabalisa lalo nang turulin ng
pari ang tungkol sa makasalanang hindi nangungumpisal na namamatay sa
bilangguan na walang sakramento sa simbahan. Hindi rin nakaligtas sa pag-aglahi
ng pari ang mga mistisilyong hambog at mapagmataas, mga binatang salbahe at
pilosopo...ang mga parinig na ito ay nadadama ni Ibarra. Pero, nagsawalang kibo
na lamang siya.
Naging kabagot-bagot na ang sermon, kung kaya nagpakuliling na
si pari Salvi upang huminto na si Damaso. Pero, sumabak pa rin sa pagsasalita
ng may kalahating oras. Habang isinasagawa ang misa, isang lalaki (ito ay si
Elias) ang lumapit kay Ibarra at nagbabala tungkol sa gagawing pagdiriwang sa
paaralan. Kailangang maging maingat, anya si Ibarra sa pagbaba sa hukay at
huwag lalapit sa bato sapagkat
maari siyang mamamatay. Nakilala ni Ibarra si Elias na kaagad namang umalis.
Kabanata XXXII
Ang Panghugos
Buod
Ipinakita ng taong madilaw kay Nor Juan kung paano niya
mapapagalaw ang pampakilos ng kalong ang kanyang itinayo. At ito ay
mayroong walang metro ang taas, nakabaon sa lupa ang apat na haligi. Sa haligi
nakasabit ang malalaking lubid kayaq tila napakatibay ng pagkayari at
napakalaki. Ang bandang itaas naman ay mayroong banderang iba-iba ang
kulay. Tinignang mabuti ni Nor Juan kung paano ittinaas at ibinababa ang
batong malaki na siyang ilalapat sa ilalim sa pamamagitan ng pag-aayos ng kahit
isang tao lamang. Hangganghanga si Juan sa taong madilaw. Nagbubulungan sa
pagpuri ang mga taong nasa paligid nila. Sinabi ng taong madilaw kay Nor
Juan na natutuhan niya ang paggawa ng makinarya kay Don Saturnino na nuno ni
Don Crisistomo. Ito pa anya ay maraming nalalaman. Hindi marunong mamalo at
magbilad sa araw ang kanyang mga tauhan;marunong ding gumising ng mga natutulog
at magpatulog ng gising.
Sa kabilang dako, malakihan ang paghahanda ni Ibarra sa
pagbabaon ng panulukang-bato ng bahay-paaralan. Sa ilalim ng maraming habong na
itinayo ay pawang puno ng pagkain at inumin aalmusalin ng mga panauhing
isa-isang sinudo ng mga banda at musiko. Ang mga naghanda sa almusal ay mga
guro at mag-aaral. Nagsimulang magbasbas si Pari Salvi sa pamamagitan ng
pagbibihis ng damit na pang-okasyon. Ang mga mahahalagang kasulatan naman pati
na ang mga medalya, salaping pilak at relikya ay inilulan na sa isang kahang
bakal. Ang kahang bakalay ipinasok naman sa bumbong na yari sa
tingga. Hindi kumukurap si Elias sa pagkakatitig sa taong madilaw na
siyang may hawak ng lubid. Ang lubid ay nakatali naman sa isang kalo na
magtataas at magbaba ng batogn na ilalapat sa nakatayong bato sa ibaba. May uka
sa gitna ang bato, Sa ukang ito ilalagay ang bumbong na tingga.
Bago simulan ang pagpapalitada, nagtalumpati muna sa wikang
Kastila ang alkalde. Pagdaka’y isa-isa ng bumaba ang kura, mga prayle , mga
kawani, ilang mayayamang bisita at Kapitan Tiyago para sa pasinaya. Dahil sa
biro nio Kapitan Tiyago at amuki ng alkalde, napilitan ding bumaba si Ibarra.
Hustong nasa ibaba ito, nang bigla na lamang humalagpos ang lubid sa kalo.
Nagiba ang buong balangkas at umalumbukay ang makapal na alikabok. Nang mapawi
ang usok, si Ibarra ay nakitang nakatayo sa pagitan ng bumagsak na kalo at ng batongbuhay. Ang
taong madilaw ay tinanghal na isang bangkay. Ito’y natabunan ng mga biga na
nasa paanan ni Ibarra. Gusto ng alkalde na ipahuli ang nangasiwa sa
pagpapagawa, na walang iba kundi si Nor Juan. Pero, nakiusap si Iabarra na siya
na ang bahala sa lahat. Makaraang ipagtanong niya si Maria, kaagad na umuwi si
Ibarra upang magpalit ng damit. Isa si Pilosopong Tasyo sa nakasaksi sa
maganap na pangyayari. Yaon daw ay isang masamang simula.
Kabanata XXXIII
Malayang Kaisipan
Buod
Panauhin ni Ibarra si Elias. Hiningi ni Elias sa binata na
ipaglihim nito ang pagbibigay niya ng babala sa kanya. Isapa, si Elias ay
nagbabayad lamang ng utang na loob sa kanya. Ipinaliwanag din niya na dapat pa
ring mag-ingat si Ibarra sapaglkat sa lahat ng dako ito ay mayruong
kaaway." Batas ng buhay ang di pagkakasundo. Lahat tayo’y may kalaban,
mula sa pinakamaliit na kulisap hanggang sa tao; mula sa pinakadukha hanggang
sa lalong mayaman at makapangyarihan," pagdidiin pa ni Elias.
Ang mga kaaway ni Ibarra ay naglilipana sa halos lahat ng lugar,
dahil sa kanyang mga ninuno at ama na nagkaroon don ng mga kagalit, dahil na
rin sa kanyang balak na pagpapatayo ng paaralan. Isa sa mga kaaway ni Ibarra ay
ang taong madilaw. Umano’y narinig ni Elias ang taong madilaw ng sinundang gabi
nakikipag-usap sa di kilalang tao at sinabing "hindi kakanin ng isda ang
isang ito (Ibarra) tulad ng kanyang ama, makikita ninyo."
Ang ganitong natuklasan ni Elias ay kanyang ikinabahala sapagkat
kahit na ipinagmamalaki ng taong madilaw ang kaalaman sa trabaho. Hindi ito
humingi ng mataas na sahod ng magprisinta kay Nor Juan. Binanggit ni Ibarra na
nanghihinayang sa pagkamatay ng taong dilaw sapagkat marami pa sanang mababatid
'buhat sa kanya. Pero, ikinatwiran ni Elias na maski na mabuhay ang taong
madilaw inakala niyang matatakasan ang pag-uusig ng bulag na hukuman ng tao.
Subalit sa kamatayan ng Diyos ang humatol at naging hukom.
Sinikap ni Ibarra na tuklasin ang tunay na pagkatao ni Elias,
kung ito ay nakapag-aral o hindi. Ang sagot ni Elias ay: Napilitan akong
maniwalang lubos sa Diyos sapagkat nawalan na ako ng tiwala sa Diyos. Alam ni
Elias na marami pa ang mga taong gustong kumausap kay Ibarra kaya nagpaalam na
ito. Pero, nangako siyang anumang oras na kailangan siya ay babalik siya sapagkat
mayroon pa siyang tinatanaw na utang na loob kay Ibarra.
Kabanata XXXIV
Ang Pananghalian
Buod
Ang mga kilalang tao sa San Diego ay magkaharap na
nanananghalian sa isang malaking hapag. Nakaluklok sa magkabilang dulo ng mesa
sina Ibarra at ang alkalde. Nasa bandang kanan ni Ibarra si Maria at nasa
kaliwa naman ang eskribano. Sa magkabilang panig naman nakaluklok sina Kapitan
Tiyago, kapitan ng bayan, mga prayle, kawani at kaibigang dalaga ni Maria.
Ganadong kumain ang lahat ng makatanggap ng telegrama sina Kapitan Tiyago,
siya’y kaagad na umalis. Darating ang Kapitan Heneral at magiging panauhin ni Kapitan
Tiyago sa kanyang bahay.
Hindi nasasabi sa kable, kung ilang araw na mananatili ang
Kapitan Heneral sapagkat ito umano ay mahilig sa bagay-bagay na kataka-taka.
Kung saan napasuot ang usapan ng mga kumakain. Ang hindi pag-imik ni Pari
Salvi, ang hindi pagdating ni Padre Damaso, kawalan ng kaalaman ng mga
magbubukid ng kobyertos at kung anong kurso ang ipapakuha nila sa kanilang mga
anak.
Patapos na ang tanghalian nang dumating si Padre Damaso. Lahat
bumati sa kanya, maliban kay Ibarra. Umiinit na ang
usapan noon sapagkat nagsisimula ng ilagay ang mga tsampan sa kopa.
Nahalata ng alkalde na panay ang pasaring ni Pari Damaso kay Ibarra. Sinikap na
ibahin nito ang usapan, pero patuloy ang pari sa pagsasaring. Walang kibo na
lamang si Ibarra. Pero, nang ungkatin ni Pari Damaso ang tungklol sa pagkamatay
ng ama ni Ibarrang may kasamang pag-aglahi. Sumulak ang dugo ni Ibarra. Biglang
dinaluhong niya si Pari Damaso at sasaksakin nito sa dibdib. Pero, pinigilan
siya ni Maria. Gulo ang isip ni Ibarra na umalis at iniwan ang mga kasalo sa
pananghalian.
No comments:
Post a Comment