Kabanata XXI
Mga Pagdurusa ni Sisa
Buod
Lito
ang isip na tumatakbong pauwi si Sisa. Matinding bumabagabag sa kanyang isip
ang katotohanang sinabi sa kanya ng kawaksi ng kura. Para siyang
tatakasan ng sariling bait sa pag-iisip kung paano maiililigtas sina Basilio at
Crispin sa kamay ng mga sibil. Tumindi ang sikdo ng kanyang dibdib nang
papalapit na siya sa kanyang bahay ay natanaw na niya nag dalawang sibil na
papaalis na. Saglit na nawala ang kaba sa kanyang dibdib. Hindi kasama ng mga
sibil ang isa man sa kanyang anak.
Gayunman,
sa sumunod na sandali, muling sinakmal ng matinding pangamba si Sisa. Nang
makasalubong niya ang dalawang sibil. Pilit na tinatanong siya kung saan niya
diumano itinago ang dalawang onsang ninakaw ng kanyang anak. Pilit na pinaamin
din siya tungkol sa paratang ng kura. Kahit na magmamakaawa si Sisa, hindi rin
pinakinggan ang kanyang pangangatwiran. Hindi siya pinaniwalaan ng mga sibil.
At sa halip pakaladkad na sinama siya sa kuwarter. Muling nagsumamo si
Sisa, pero mistulang bingi ang kanyang mga kausap. Ipinakiusap ni Sisa na
payagan siyang mauna ng ilang hakbang sa nga sibil habang sila ay naglalakad
patungong kuwartel kapag sila ay nasa kabayabnan na. Pagdating nila sa
bayan, tiyempong katatpos pa lamang ng misa. Halos malusaw sa kahihiyan si
Sisa. Kaagad na ipinasok siya sa kwartel. Nagsumiksik siyang parang daga sa
isang sulok. Nanlilimahid at iisa ang kanyang damit. Ang buhok naman ya daig pa
ang sinabungkay nag dayami. Gusot-gusot ito. Ang kanyang isip ay parang ibig ng
takasan ng katinuan
Sa
bawat paglipas ng sandali, nadagdagan ang kasiphayuan ni Sisa. Magtatanghali,
nabagbag ang damdamin ag Alperes. Iniutos na palayain na si Sisa. Ngunit hinang
hina na siya. May dalawang oras din siyang nakabalndra sa isang
sulok. Painot-inot na naglakad si Sisa hanggang sa muli siyang makarating
sa kanyang bahay. Dagling umakyat siya sa kabahayan . Tinawag ang pangalan ng
mga anak. Paulit-ulit, parang sirang plaka. Ngunit hindi niya ito makita, kahit
na panhik panaog ang ginawa niya. Tinungo niya ang gulod, at sa may gilid ng
bangin. Wala ang kanyang hinahanap. Patakbo siyang bumalik sa bahay.
Natapunan
niya ng pansin, ang isang pilas ng damit ni Basilio na may bahid ng dugo. Hawak
ang damit, pumanaog siya ng bahay at tiningnan sa sikat ng araw ang pilas ng
damit na nababahioran ng dugo. Nilulukob ng matinding nerbiyos ang buong
katawan. Ano na nag nangyari sa kanyang mga anak. Hindi madulumat ang
nararamdaman niyang kasiphayuan. Naglakad-lakad siya kasabay ng
pasaglit-saglit na pasigaw ng malakas. Ang banta ng pagkabaliw ay unti unting
lumalamon sa kanyang buong pagkatao. Kinabukasan, nagpalaboy-laboy sa
lansangan si Sisa. Ang malakas na pag-iyak, hagulgol at pagsigaw ay nagsasalit
at kung minsan ay magkasabay na ipinakita ang kanyang kaanyuan. Lahat ng mga
taong nakakasalubong niya ay nahihintakutan sa kanya.
Kabanata XXII
Liwanag at Dilim
Buod
Magkasamang
dumating si Maria at ang kanyang Tiya Isabel sa San Diego para sa
pistang darating. Naging bukambibig ang pagdating ni Maria sapagkat matagal na
siyang hindi nakakauwi sa bayang sinilangan. Isa pa, minamahal siya ng mga
kababayan dahil sa kagandahang ugali, kayumian at kagandahan. Labis na
kinagigiliwan siya. Sa mga taga San Diego, ang isa sa kinapapansinan ng
malaking pagbabago sa kanyang ikinikilos ay si Padre Salvi. Lalong
pinag-usapan si Maria, nang dumating si aIbarra at madalas na dalawin ito.
Sinabi ni Ibarra kay Maria na handa na ang lahat para sa gagawin nilang piknik
kinabukasan. Ikinatuwa ito ni Maria sapagkat makakasama na naman niya sa
pamamasyal ang kanyang dating kababata sa bayan.
Ipinakiusap
ni Maria sa kasintahan na huwag ng isama ang kura sa lakad nila sapagkat
magmula ng dumating siya sa bayan nilulukob siya ng pagkatakot sa tuwing
makakaharap niya ang kura. Malagkit kung tumingin ang kura kay Maria at
mayroong ibig ipahiwatig ang mga titig nito. Kung kaya, tuwirang hihingi ni
Maria kay Ibarra na huwag ng isama sa pangingisda si Padre Salvi. Pero,
sinabi ni Ibarra na hindi niya mapagbibigyan ang kahilingan ni Maria sapagkat
yaon ay lihis sa kagandahang-asal at kaugalian ng mga taga- San
Diego.Naputol ang kanilang pag-uusap ng biglang dumating si Padre Salvi.
Humingi ng paumanhin si Maria sa dalawa at iniwanan ang mga ito sa pagsasabing
masakit ang kanyang-ulo.
Inanyayahan
ni Ibarra si Padre Salvi na sumama sa kanilang piknik. Inaasahan iyon ng kura,
kaya na kaagad na tinanggap niya ang paanyaya. Laganap na ang dilim ng
magpaalam si Ibarra na uuwi na. Sa daan, nakasalubong niya ang isang lalaki na
dalawang araw ng naghahanap sa kanya. Hiningi ng lalaking nakasalubong ni
Ibarra ang tulong nito tungkol sa kanyang problema sa asawa at mga
anak. At sabay na nawala sa pusikit na dilim sina Ibarra at ang lalaki.
Kabanata XXIII
Ang Piknik
Buod
Madilim–dilim
pa nagsigayak na ang mga na ang mga kabataan,kadalagahan at ilang matatandang
babae na patungo sa dalawang bangkay nakahinto sa pasigan. Ang mga kawaksing
babae ay mayroong sunung-sunong na mga bakol na kinalalagyan ng mga pagkain at
pinggan. Ang mga bangka ay nagagayakan ng mga bulaklak, mga iba,t-ibang kulay
na kagaya ng gitara, alpa,akurdiyon at tambuli. Si Maria Clara ay kaagapay
ang mga matatalik nitong kaibigan na sina Iday, Victorina, Sinang at Neneng.
Habang naglalakad masaya silang nagkukuwentuhan at nagbibiruan. Paminsan-minsa
ay binabawalan sila ng mga matatandang babae sa pangunguna ni Tiya Isabel.
Pero, sige pa rin ang kanilang kuwentuhan.
Nag-tigisang
bangka ang mga dalaga sapagkat lulubog daw ang kanilang sinasakyan. Dahil
dito,mabilis na lumipat ang ilang kabinataan sa bangkang sinasakyan ng mga
dalagang kanilang pinipintuho. Si Ibarra ay napatabi kay Marai. Si albino ay
kay Victoria. Natameme sa pagkakagulo ang mga dalaga . Ang piloto o
ang sumasagwan sa dalawang bangkang para umusad sa tubig ay isang binatang may
matikas na anyo,matipuno ang pangangatawan,maitim,mahaba ang buhok at siksik sa
laman. Ito ay si Elias. Habang hinihintay na maluto ang agahan. Si Maria
ay umawit ng Kundiman. Balana ay hindi nakaimik. Sinabi ni Andeng na nakahanda
na ang sabaw para sa isisigang na isda.
Ang
mga nagpipiknik ay nasa may baklad na ni Kapitan Tiyago. Ang magbibinatang anak
ng isang mangingisda ay namandaw sa baklad. Ngunit,kaliskis man ng isda ay
walang nasalok. Si Leon na katipan ni iday ang kumuha ng
panalokm.Isinalok ito. Ngunit,wala ring nahuling isda. Sinabi na ang kawalan ng
isda sa lawa.sSgawan ang mga babae na baka mapahamak ito. Pero, pinayapa sila
ng ilang mga kalalakihan sa pagsasabing sanay si Elias na humuli ng
buwaya. Ilang saglit lang, nahuli na ni Elias ang buwaya. Pero higit na
malakas ang buwaya, nagagapi si Elias. Dahil dito, kumuha ng isang punyal si
Ibarra at lumundag din sa lawa. Hindi hinimatay si Maria Clara sapagkat ang mga
‘dalaga noon ay hindi marunong mahimatay.’ Biglang umalimbukay
ang pulang tubig. Lumundag pa ang isang anak ng mangingisda na may tangang
gulok. Pamayamaya’y lumitaw sin a Ibarra at ang piloto o si Elias na dahil
iniligtas siya ni Ibarra sa tiyak na kapahamakan, utang niya ang kanyang buhay
dito. Natauhan mula sa pagkapatda si Maria ng lumapit sa kanya si Ibarra.
Nagpatuloy ang mga magkakaibigan sa pangingisda at nakahuli naman ng marami.
Nagpatuloy sila sa gubat na pag-aari ni Ibarra. Nananghalian sila sa lilim ng
mayatabong na punong- kahoy na tumutunghay sa batisan.
Kabanata XXIV
Sa Kagubatan
Buod
Pagkatapos
na makapagmisa ng maaga si Pari Salvi, nagtuloy ito sa kumbento upang kumain ng
almusal. May inabot na sulat ang kanyang kawaksi. Binasa niya ito. Kapagdaka’y
nilamutak ang liham at hindi na nag-almusal. Ipihanda niya ang kanyang kaerwahe
at nagpahatid sa piknikan. Sa may di – kalayuan, pinahinto niya ang
karwahe. Pinabalik niya sa kumbento . Namaybay siya sa mga latian hanggang sa
maulinigan niya si Maria na naghahanap ng pugad ng gansa. Naniniwala ang mga
dalaga na sinuman ang makakita ng pugad upang masundan niya at makita parati si
Ibarra nang hindi siya makikita nito. Tuwang-tuwa si Pari Salvi sa panood
sa papalayong mga dalaga. Nais niyang sundan ang mga ito. Pero, ipinasya niyang
hanapin na lamang ang mga kasama nito. Nang punahin ng mga kasama nito tungkol
sa sa kanyang galos, sinabi niyang siya ay naligaw.
Pagkaraang
makapananghali, napag-usapan nina Padre Salvi ang taong tumatampalasan kat
Padre Damaso na naging dahilan ng pagkakasakit nito. Kamala-mala, dumating si
Sisa. Nakita siya ni Ibarra, kaya kaagad na iniutos na pakainin ito. Ngunit,
mabilis na tumalilis si Sisa. Napunta ang usapan sa pagkawala nina Crispin
at Basilio, mga sakristan ni Pari Salvi. Naging maigting ang pagtatalo nina
Pari Salvi tt Don Felipo sapagkat sinabi ng Don na higit pang mahalaga sa kura
ang paghahanap sa nawawalang onsa kaysa sa kanyang dalawang sakristan. Namagitan
na si Ibarra sapagakt magpapangana na ang dalawa. Sinabi niya sa mga kaharap na
siya na ang kukupkup kay Sisa. Kapagdaka’y nakiumpok na si Ibarra sa mga
nagsisipaglarong biinata at dalaga na naglalaro ng Gulong Ng Kapalaran.
Nagtanong si Ibarra kung magtatagumpay siya sa kanyang balak. Inihagis niya ang
dais at binasa siya ang sagot na tumama sa: " Ang pangarap ay nanatiling
pangarap lamang." Ipinihayag niyang nagsisinungaling ang aklat ng Gulong
ng Kapalaran.
Mula
sa kanyang bulsa, inilabaas niya ang isang kapirasong sulat na nagsasaad na
pinatibay na ang kanyang balak na magtayo ng bahay-paaralan. Hinati ni Ibarra
ang sulat, ang kalahati ay ibinigay kat Maria at ang natitirang kalahati ay kay
Sinang na nagtamo ng pinakamasamang sagot sa kanilang paglalaro. At iniwanan na
ni Ibarra sa pagalalaro ang mga kaibigan. Dumating si ari Salvi. Walang
sabi- sabing hinablot ang aklat at pinagpunit-punit ito. Malaking Kasalanan,
anya ang maniwala sa aklat sapagkat ang mga nilalaman nito’y pawang kasinungalingan.
Nabanas si Albino at sinabihan ang Kura na higit na malaking
kasalanan ang pangahasan ang hindi kanya at walang pahintulot sa pagmamay-ari
nito. Hindi na tumugon ang kura at sa halip ay biglang tinalikuran ang
magkakaibigan at nagbalik na ito sa kumbento. Sa darating naman ang apat
na sibil at ang sarhento. Hinahanap nila si Elias na siya umanong tumampalasan
kay Padre Damaso. Inusig nila si Ibarra dahil sa pag-aanyaya at pagkupkop sa
masamang tao. Pero, tinugon sila ni Ibarra sa pagsasabing walang sinuman ang
maaring makialam sa mga taong kanyang inaanyayahan sa piging kahit na sinuman
ang mga taong ito. Ginagulad ng mga sibil at sarhento ang gubat upang hanapin
si Elias na umano’y nagtapon din sa labak sa alperes. Ni bakas ni Elias ay wala
silang nakita. Nagpasyang umalis na sa gubat ang mga dalaga at binat ng
unti-unting lumalaganap ang dilim sa paligid. Magtatakipsilim na.
Kabanata XXV
Sa Tahanan ng Pilosopo
Buod
Pagkaraang
libutin ni Ibarra, nagsadya ito sa bahay ni Mang Tasyo. Inabutan niya ito ng
nagsusulat ng heroglipiko sda wikang Pilipino. Abala ito, kaya ninais niyang
huwag ng gambalain ang matanda. Pero napuna nito ng siya ay papanaog na.
Pinigilan si Ibarra, Sinbi ni Mang Tasyo na ang sinusulat niya ay hindi
mauunawaan ngayon. Ngunit, ang mga susunod na salin- lahi ay maiintidahan ito
sapagkat ang mga ito ay higit na matalino at malamang hindi nahihimbing sa
panahon ng kanilang mga ninuno. Ipinalagay ni Ibarra na siya ay dayuhan sa
sariling bayan at higit namang kilala si Mang Tasyo ng mga tao.. Kung kaya’t
isinangguni niya ang kanyang balak tungkol sa pagpapatayo ng paaralan. Pero,
sinabi ng matanda na huwag siyang sangguniin sapagkat itinuturing siyang baliw
ni Ibarra, at sa halip ay kanyang itunuro sa binata ang Kura, ang kapitan
ng bayan at ang lahat ng mayayaman sa bayan. Ayoon pa rin sa kanya, ang mga
taong kanyang tinutukoy ay magbibigay ng masasamang payo subalit ang
pagsangguni ay hiindi nangangahulugan ng pagsunod. Sundin lamang kunwari ang
payo at ipakita ni Ibarrang ang kanyang ginagawa ay ayon sa mga
pinagsangunian. Tinugon ni Ibarra si Mang Tasyo na maganda ang kanyang
payo peero mahirap gawin sapagkat kinakailangan pa bang bihisan ng
kasinungalingan ang isang katotohanan. Maagap na tumugon din ang matanda na higit
pa sa pamahalaan ang kapangyarihan ng isang uldog, nagtagumpay lamang ang
binata kung ito ay tutulungan at kung hindi naman. Ang lahat ng kanyang mga
pangarap ay madudurog lamang sa matitgas na pader ng simbahan. Matindi ang
paniniwala ni Ibarra na siya ay tutulungan kapwa ng bayan at pamahalaan.
Nagpatuloy
na magkaroon ng tunggalian ng paniniwala sina Mang Tasyo at Ibarra. Ayon pa rin
kay Mang Tasyo ang gobyerno ay kasangkapan lamang ng simbahan. Na ito ay
matatag sapagkat nakasandig sa pader ng kumbento at ito ay kusang babagsak sa
sandaling iwan ng simbahan. Sinabi ng binata na kasiyahan na niyang
masasabi ang dipagdaing ng bayan. Ito ay hindi naghihrap tulad ng sa isang
bansa sapagkat dati – rati tinatangkilik tayo ng relihiyon at ng pamahalaan. Pero,
sinabi naman ni Mang Tasyo na pipi ang bayan kaya hindi dumaraing. Katunayan,
anya darating ang panahong magliliwanag ang kadiliman at ang mga tinimping
buntunghininga’y magsisiklab. Ang Bayan ay maniningil ng pautang at sa gayo’y
isusulat sa dugo ang kanyang kasaysayan. Ipinaliwanag ng binata na ang
Pilipinas ay umiibig sa Espanya at alam ng bayan na siya ay tintangkilik. Kaya
ang Diyos, ang Gobyerno at ang relihiyon ay di- papayag na sapitin ang araw na
sinabi ni Mang Tasyo. Ikinatwiran naman ng matanda na tunay na mainam ang mga
balak sa itaas ngunit hindi natutupad sa ibaba dahil sa kasakiman sa yaman at
sa kamangmangan ng bayan. Sa palagay niya, ang dahilan ay sapat ang utos ng
Hari ay nawawalang silbi sapagakat walang nagpapatupad. Dahil dito, ang aatupagin
ng pamahalaan rito kundi ang magpayaman sa loob lamang ng tatlong taong
panunukungkulan. Sa puntong ito, napuna ni Mang Tasyo na lumalayo na sila ni
ibarra sa usapan. Inungkat muli ni Ibarra ang paghingi niya ng payo. Ang payo
ng matanda ay kailangang magyuko muna si Ibarra ng ulo sa mga
naghari-harian.
Hindi
naatim ni Ibarra ang payo ng matanda at sa halip ayy sunod-sunod na tanong ang
kanyang pinakawalan. (1)Kailangan bang magyuko at mapanganyaya? (2)Kailangan
bang maapi upang maging mabutiing kriistiyano at parumihin ang budhi upang
matupad ang isang layunin? (3)Bakit ako mangangayupapa kung ako ay
nakapagtataas ng ulo? Direkto sa punto naman ang sagot ni Mang Tasyo na
"Sapagakat ang lupang pagatatamanan ninyo ay hawak ng inyong mga kaaway.
Kayo ay mahina upang lumaban. Kailangang humalik muna kayo ng kamay!"
Mariing sinalungat naman ni Ibarra ang pahayag na ito ng matanda sa
pagsasabing:"humalik pagkatapos nilang patayin ang aking ama at hukayin sa
libingan. Ako’y hindi naghihiganti sapagakat mahal ko ang aking relihiyon.
Ngunit ang ank ay hindi nakaklimot!"
Sa
sinabing ito ni Ibarra, Inimungkahi ng matanda na habang buhay sa ala-ala ng
binata ang sinapit ng kanyang ama ay limutin muna niya ang tungkol sa kanyang
balak na papapatayo ng paaralan. Kinakailangang gumawa na lamang siya ng ibang
paraan na ikagagaling ng kanyang mga kababayan. Naunawaan ni Ibarra ang payo ng
matanda, pero kailangang gawin niya abng naipangakong handog sa kasintahang si
Maria. Humingi pa si Ibarra ng payo kay Mang Tasyo. Isinama ng matanda ang
binata sa may tabi ng bintana. Ang ibinigay nitong payo ay mga halimbawa.
Itinuro ni Mang Tasyo kay Ibarra ang isang rosas na sa deami ng bulaklak ay
yumuyuko sa lakas ng hangin. Kung ito ay magpapakatigas ng tayo, ang tangkay
niya ay tiyak na mababali. Ang sinunod niyang itinuro ay matayog na puno ng
makopa. Dati-rati, anya, ay isang maliit na puno ang itinanim. Ito ay tinukuran
niya ng mga patpat hanggang sa kumapit ang mga ugat nito sa lupa. Kung ang puno
ay itinanim niya ito ng malaki ay hindi mabubuhay sapagkat ibubuwal ng hangin.
Ito ay ipinaparis niya kay Ibarra na parang isang punong inilipat sa isang
lupaing mabato mula sa Europa. Kaya, kailangan nito ang sandalan. Isa pa, hindi
kaduwagan ang pagyuko sa dumarating na punlo. Ang masama ay sumalubosdfng sa
punlong iyon, upang hindi na muling makabangon.
Tinanong
ng binata kung malilimot ng kura ang ginawa niya. Nag-aalala na baka pakitang –
tao lamang ang pagtulong sa kanya dahil sa ang pagtutujro ay magiging kaagaw ng
kumbwento sa kayamanan ng bayan. Binigyan diin ni Mang Tasyo na hindi man
magtatagumpay si Ibarra, ito ay maroon ding mapapala sapagkat tiyak na may
lalabas na bagong pananim mula sa mga itinanim nito. At ang binata ay
magsisilbing isang mabuting halimbawa sa iba na natatakot lang magsimula.
Kinamayan ni Ibarra si Mang Tasyo at sinabing kakausapin niya ang kura na
marahil ay hindi naman kastulad ng umusig sa jkanyang ama. Ipakikiusap din niya
sa kura na tangkilikin ang kaawa-awang balo at ang mga anak. Ilang saglit pa,
tuluyang umalis na si Ibarra.
Kabanata XXVI
Ang Bisperas ng Pista
Buod
Ika-10
ng Nobyembre angn bisperas ng pista sa bayan ng San Diego.Naging masigla sa
paghahanda ang kilusan sa lahat ng dako.Ang mga bintana ng bahay ay
napapalamutian ng iba’t-ibang dekorasyon. May nagpapaputok ng kuwitis at may
nagtutugtugan ng mga banda ng musiko. Sa bahay ng mga nakakariwasa,
nakaayos ang minatamis na bungang kahoy,may nakahandang pagkain ,alka na binili
pa sa Maynila na katulad ng hamon at ng relyenong pabo,serbesa,tsanpan at iba
pang klase ng alak na inangkat pa mula sa Europa.Ang mga pagkain ganito ay
inuukol sa mga banyaga,kaibiganokaaway,at sa mga Pilipino, mahirap man o
mayamanupang masiyahan sila sa pista. Ang mga ilawang globong kristal na
minana pa sa kanilang mga kanununuan ay inilalabas dinkabilang na ang kanyong
binurdahan ng mga dalaga, belong Ginansilyo ,alpombra,bulaklak na gawang
kamay, banehang pilak na lalagyan ng tabako, sigarilyo,hitso at nganga.Dahil sa
sobrang kintab ng sahig ay pwewdeng ng makapanalamin.Puno ng kurtinang sutla
ang mga pinto at at pati ang mga santo at imahen ay nagagayakan din
Ang
mga masasayang lugar ng San Diego ay tinayuan ng arkong kawayan. Naglagay naman
ng malaking tolda at mayroong tukod sa may paligid ng patyo ng simbahan. Ang
tolda ay mayroong tukod na kawayan upang makadan ang prusisyon. Sa
liwasang bayan naman ay itinayo ang magandang tanghalan siyang pagdarausan ng
komedya ng mga taga-Tundo. Madalas na tinutogtug ang kampana kasdunod ang mga
putok ng mgha kuwitis at bomba. Lahat-lahat ay mayroong limang banda ng
musiko at tatlong oirkestra ang inihanda sa para sa pagdiriwang ng pista. Sina
Kapitan Tiyago at Kapitan Juaquin na may dalawang 18,000, ang intsik na si
Carlos na siyang naglalagay sa sugal na liam-po at mga mamamayan buhat pa sa
Lipa, Tanauan, Batangas at Sta.Cruz ang inaasahang na darating. Batay sa mga
balita Si Padre Damaso ang magsesermon sa umaga at magiging bangkero naman
pasgdating ng gabi. Ang magbubukid at taga bundok ay naghahanda ng manok,baboy
bungangkahoy at mga gulay na dadalhin sa mayayamang may-ari na kanilang
sinasaka.
Sa
isang lugar naman na malapit sa bahay ni Ibarra, tinatapos ng mga trabahador
ang katangang semento na siyang pagtatayuan ng bahay paaralan. Si Nol Juan, ang
nangangasiwa sa mga manggagawa. Habang abala ang mga manggagawa, ipinaliliwanag
ni Juan ang kanilang itatayo ay isang malaking paaralan. Ang isang panig ay
para sa mga lalakiat ang ikalawa naman ay para sa mga babae. Ang paaralan ay
magiging kauri ng mga modernong paaralan sa Alemenya. Batay sa planong ginawa
ni Ginoong A, na siyang arkitekto, ang tagiliran ng eskwela ay tatamnan ng
maraming puno at gulay, magkakaroon ng bodega at piitan para sa mga batang
tamad na mag-aral. Sa proyekto ni Ibarra ay naghandog ng tulong ang mga
mayayaman samantalang ang kura ay humiling na siya angn gawing padrino at
magbabasbas sa paglalagay ng unang batosa huling araw ng pista. Sa mga pag-alok
ng pagtulong ay tumanggi si Ibarra sapagkat hindi naman simabahan ang kanyang
ipinagagawa. Sasagutin niya ang lahat ng gastos. Dahil dito,siya ay
hinangaan ng mga binata at nag-aaral sa Maynila. Ginawa siyang huwaran, ngunit
karaniwan, ang atin lamang natutularan sa kanila ay maliliit na bagay na
kanilang ginagawa at ang mga kasiraan ay napupuna tulad ng ayos ng kurbata,
tabas ng kuwelyong damit, bilang ng butones ngtsaleko o amerikana. Nawala sa
isipan ni Ibarra ang mga natatakot na hinala ni Mang Tasyo, at ito ay kanyang
nasasbi ngunit tinugon siya nng matanda sa isang aral ni Balagtas na "Kung
ang isalubong sa iyong pagdating may masayang mukha’t pakitang gilliw, lalong
pag-ingata’t kaaway na lihim… siyang isaisip na kakabakahin.
Kabanata XXVII
Sa Pagtakip Salim
Buod
Sa
lahat ng may handaan sa pista ng San Diego, isa kay Kapitan Tiyago ang
pinakamalaki. Sinadya niyang higtan sa dami ng handa ang mga taga lalawigan
dahil kay Maria at Ibarra na kanyang mamanugangin.Dahil si Ibarra ay pinuri pa
ng isang tanyag na diyaryo sa Maynila sa pagsasabing siya ay bihasa at mayamang
kapitalista, Kastilang-Pilipino at iba pa. Bago pa mang dumating ang
talagang pista, ilang araw nang dumarating ang sari-saring inumin at pagkaing
galing sa Europa sa tahanan ni Kapitan Tiyago. Sa pagdating ng Kapitan sa
bisperas may pasalubong ito kay Maria na isang agnos na may brilyante at
esmeralda at kapirasong kahoy na mula sa bangka ni San
Pedro. Kalugod-lugod ang pagkikita nina Kapitan Tiyago at Ibarra. May mga
ilang kaibigang dalaga si Maria na kinumbidang mamasyal si Ibarra. Humingi ng
pahintulot si Maria sa ama nito at siya ay pinahintulutan naman. Gayunman,
nagbilin ang ama na kailangang umuwi bago maghapunan si Maria sapagkat darating
si Padre Damaso. Mahigpit na inanyayahan naman ni Kapitan Tiyago si Ibarra na
sa kanilang tahanan na siya maghapunan. Pero, nagdahilan si Ibarra na mayroon
siyang hinihintay na bisita.
Pumanaog
na ng bahay si Ibarra kasunod ang mga dalaga. Si Maria ay napagitna kina Iday
at Victoria at naglalakad siyang kasunod si Tiya Isabel. Siyang-siya
si Maria sapagkat nakadama siya ng kalayaan sa labas ng kumbento. Ang mga
naglalakad ay napatapat sa bahay ni Simang. Nanaog kaagad ito at sila ay
inimbitang pumanhik muna. May bumati kay Ibarra kay at pinuri naman si Maria.
Nakita ni Ibarra si Kapitan Basilio, na naging kaibigan at tagapagtanggol niya
na sumama ito sa kanya kinagabihan. Sinabi niyang maglalagay ng isang munting
bangka sa monte si Padre Damaso. Napangiti lamang si Ibarra. Hindi masigurado
kung ano ang ipinahihiwatig ng ngiting yaon, kung oo, o hindi. Nakarating
sila sa liwasang bayan. Nakita nila ang isang ketongin na nakasalakot at
umaawit sa saliw ng kanyang gitara. Pinandidirihan at nilalayuan siya ng mga
tao sapagkat natatakot silang mahawa ng sakit nito. Ang ketongin ay pinarusahan
ng maraming palo dahil lamang sa pagliligtas niya sa isang nahulog sa mababaw
na kanal.
Pagkakita
ni Maria sa ketongin, sinagilahan siya ng pagkahabag. Kinuha ni Maria ang suot
na agnos at nilagay sa bakol ng ketongin, sa pagtataka ng kanyang mga kasama.
Kinuha ng ketongin ang agnos sa bakol at ito ay kanyang hinagkan. Sumunod ay
lumuhod ito sa sa may harap ni Maria at isinubsob ang ulo at hinagkan ang mga
bakas ng yapak ni Maria. Nagtakip ng mukha si Maria at pinahid ng panyo ang
lubhang namamalisbis sa mukha. Kamukat- mukat ay biglang lumapit ang baliw
na si Sisa at hinawakan sa bisig ang ketongin. Ipinatanaw ni Sisa sa ketongin
ang ilaw sa kampanaryo at sinabing naruroon ang anak niyang si Basilio na
bumababa sa lubid. Itinuro rin niya ang ilaw sa kumbento at sinabing nandoroon
naman ang anak niyang si Crispin. Binitiwan ni Sisa ang ketongin at umalis na
kumakanta. Umalis na rin ang ketongin na dala ang bakol. Sa gayong
pangyayari, naibulong na lamang ni Maria na mayroon palang mga taong
kulang-palad.
Kabanata XXVIII
Sulatan
Buod
Inilathala
sa isang malaganap na pahayagan sa Maynila ang tungkol sa pista. Ginawa ito
upang malaman ng banyaga na interesadong mabatid ang mga pamamaraan ng
pagdaraos ng pista ng mga Pilipino. Nakasaad sa dyaryo na walng makakatulad sa
karangyaan ng pista ng pinangangasiwaaan ng mga paring pransiskano, pagdalo ni
Padre Hermando Sybila, mga kakilala at mamamayang Kastila at ginoo ng gabinete,
Batanggas at Maynila. Kabilang din sa balita ang pagkakaroon ng dalawang
banda ng musiko noong bisperas ng pista. Ang pagsundo ng maraming tao at at mga
makapangyarihan sa kura sa kumbento; ang paghahanda ng hapunan ng Hermana Mayor
at at ang pagtungo sa tahanan ng madasaling si Don Santiago De
los Santos upang kaunin si Parde Salvi at Padre Damaso Verdolagas.
Nasabi
din sa dyaryo ang pag-ganap sa sa dula ng mga balitang artistang sina Ratia
Carvajal at Fernandez na kapwa hinahangaan ng lahat pero dahil sa kastila ang
kanilang usapan, ang marurunong lamang ng espanyol ang mga nakakaintindi sa
palabas. Higit na nasiyahan ang mga Pilipino sa komedyang tagalog. Ang hindi
pag dalo ni Ibarra naman ay ipinagtaka ng lahat. Alas once ng umaga,
kinabukasan, idinaos ng birhen ang prusisyon ng birhen de la Paz. Dumaan ito sa
paligid ng simbahan, na kasama ang karong pilak nina Santo
Domingo at San Diego. Isinunod naman kaagad ang misa kantada sa saliw
ng orkestra at awit ng mga artista pag nagkatapos ng . Siyang-siya ang lahat sa
sermon ni Padre Manuel Martin. Nagkaroon din ng sayawan at ang pinakamaringal
ay ang pagsayaw ni Kapitan Tiyago. Ang nakita kay Maria na nakasuot mestisa at
nagniningning sa brilyante ay humanga sa ganda.
Isang
liham naman ni Kapitan Aristorenas kay Luis Chiquito ang nag-anyaya na ito’y
dumalo sa pista upang makipasya at makipag-laro ng monte sa mga batikan tahur
na sina Kapitan Tiyago, Pari damaso, Kapitan Juaquin, Kabesang Manuel at ang
konsul. Samantala, Tumanggap din ng lihan si Ibarra na dinala ni Andeng.
Anang liham:
Crisostomo:
Ilan
araw na ng hindi tayo nagkita. Ikaw raw ay may sakit, kaya’t ipinagdasal kita
at ipinagtulos ng kandila kahit sinabi ni itay na hindi naman malubha. Kagabi,
pinilit nila akong tumugtog at sumayaw kaya nayamot ako. May ganyan palang mga
tao. Kung hindi lang talaga ako kwinentuhan ni Padre Damaso ay talagang iiwan ko
sila.
Ipaabot
mo sa akin ang kanyang kalagayan at ipapadalaw kita kay Itay.. Ipaubaya mo na
kay Andeng ang paglalagay ng iyong tsa, mahusay siya kaysa sa iyong
katulong.
Maria
Clara:
Habol:
Ako’y
dalawin mo bukas, upang dumalo ako sa paglalagay ng unang bato sa paaralan.
Paalam
Kabanata XXIX
Ang Umaga
Buod
Maagang
pumasiyo sa lasangan ang mga banda ng musiko. Nagising ang mga nututulog.
Muling narining ang tuong kampana at mga paputok. Ang mga tao ay nagbihis
na ng mga magara at ginamit ang mga hiyas na itinatago nila. Tanging si
Pilosopong Tasyo lamang ang hindi nagpalit ng bihisan. Binati siya ng tinyente
mayor. Sumagot ang Pilosopo na “Ang magsaya ay dinangangahulugan ng paggawa ng mga
kabaliwan.” Ang pagsasaya, anya pagtatapon ng pera at tumatakip sa karaingan ng
lahat. Si Don Felipo at sumang-ayon sa pananaw na itoni Tasyo subalitwala
siyang magawa sa kagustuhan ng kapitan at ng kura.
Punong-puno
ng tao ang patyo. Ang mga musiko ay walang tigil sa kalilibot. Binabatak naman
ng mga hermana mayor ang mga tao upang tumikim ng kanilang inihandang
pagkain. Dahil sa mga tanyang na tao, mga kastila at alkalde ang
magsisimba ng araw na iyon, si Padre Damaso, kaya nagpahiwatig siya na hindi
makapagbibigay ng sermon kinabukasan. Pero, hindi siya natatanggi sapagkat
sinabi ng mga kasama niyang pari na walang ibang nakakaalamat nakapag-aral sa
buhay ni San Diego kundi tanging siya lamang. Dahil dito, siya ay
ginagamot ng babaing nangangasiwa sa kumbento. Siya ay pinahiram ng langis
sa leeg atdibdib, binalot ito ng pranela at hinilot. Pagkaraan ay nag-almusal
si Padre Damaso ng ilang itlog na binati sa alak.
Eksaktong
alas otso ng umaga, nang simula ang prisisyon. Ito ay dinaan sa ilalim ng tolda
at inilawan ng matatandang dalaga na kausap sa kapatiran ni San
Francisco. Naiiba ang prusisyon kaysa sa nagdaang araw sapagkat ang mga
nagsisilaw ay nakaabitong ginggon. Sa suot na abito ay kaagad na makikilala ang
mayayaman at mahihirap. Natatangi ang karo ni San Diego na
sinusundan ng kay Francisco at ang Birheng de la Paz. Maayos ang prusisyon, ang
tanging nagbago lamang ay si Pari Salve ang nasa ilalim ng palyo sa halip na si
Pari Silyla. Ang prusisyon ay sinasabayan ng mga paputok ng kuwitis, awitin at
tugtuging pangsimbahan. Huminto ang karong sinusudan ng palyo sa tapat ng
bahay nina Kapitan Tiyago. Nakadungaw sa bintana ang alkalde, si Kapintan
Tiyago., si Maria, si Ibarra at ilan pang kastila. SiPadre Salve ay hindi
bumati sa mga kakilala. Ito ay nagtaas lamang ng ulo mula sa kanyang matuwid na
pagkakatayo.
Kabanata XXX
Sa Simbahan
Buod
Punong-puno
ng tao ang simbahan. Bawat isa ay gustong makasawsaw sa agua bendita. Halos
hindi na humihinga ang mga tao sa loob ng simbahan. Ang sermon ay binayaran ng
P250, ikatlong bahagi ng ibinayad sa komedya na magatatanghal sa loob ng
tatlong gabi. Naniniwala ang mga tao na kahit na mahal ang bayad sa komedya,
ang manonood dito ay mahuhulog sa impierno ang kaluluwa. Ang mga nakikinig
naman sa sermon ay tuloy-tuloy sa langit. Habang hinihintay ang alkalde,
walang tigil na nagpapaypay ng abaniko, sumbrero at panyo ang mga tao.
Nagsisigawan at nag-iiyakan naman ang mga bata. Ang iba ay ina-antok sa may tabi
ng kumpisalan.
Ilang
saglit lang dumating ang alkalde kasama ang kanyang mga tauhan. Ang suot niya
ay napapalamutian ng banda ni Carlos III at ng limang medalya sa dibdib.
Inakala ng ilang tao na ang alakalde ay osang sibil na
nagsuot-komedyante. Sinimulan ang pagmimisa ni Padre Damaso. Humandang
makinig ang lahat. Ang pari ay pinangungunahan ng dalawang sakristan sinusundan
ng prayleng may hawak na kuwaderno. Pumanhik sa pulpito si Pari Damaso at at
Pari Sibyla. Pero, tanging palibak ang inukol niya kay Pari Martin, na ang ibig
sabihin ay higit na magaling ang isesermon niya kaysa kahapon. Binalingan
ni Padre Damaso ang kasamang prayle at pinabuksan ang kuwderno upang kumuha ng
tala.
No comments:
Post a Comment