Kabanata XI
Ang mga Makapangyarihan
Buod
Bagamat
Don Rafael, ang tawag sa ama ni Ibarra. Hindi siya ang Kinikilalang
makapangyarihan kahit na siya ang pinakamayaman. Pero,siya ay iginagalang at
halos lahat ng mga tao ay mayroong pagkakautang sa kanya. Sa kabila ng
kabusilakan ng kanyang damdamin, siya ay kinalaban ng magkaroon ng usapin at ni
wala pa ngang kakampi. Si Kapitan Tiyago man, kahit na masalapi at
sinasalubong ng banda ng musiko at hinahainan ng masasarap na pagkain kapag
nagpupunta sa bayan,siya ay nakatalikod, siya ay tinawag na Sakristan
Tiyago.
Ang
kapitan sa bayan ay hindi rin kabilang sa mga tinatawag na casique o
makapangyarihan. Ang kanyang puwesto ay nabili niya sa halagang P5,000. Madalas
siyang sabunin at kagalitan ng alkalde mayor. Ang San Diego ay
maihahalintulad sa Roma at Italya sa mahigpit na pag-aagawan sa kapangyarihan
pamunuan ng bayan. Ang mga ito ay sina Pare Bemardo Salvi, isang payat at
batang pransiskano at siyang pumalit kay Padre Damaso. Payat siya sapagkat
mahilig siyang mag-ayuno. Kung ihahambing siya kay Pari Damaso, siya ay mabait
at maingat sa tungkulin. Si Pari Salvi ay ang Alpares at ang kanyang asawa na
si Donya Consolacion, isang Pilipina na mahilig maglagay ng mga kolorete sa
mukha. Ang alpares ang puno ng mga guwardiya sibil. Ang pagkakapangasawa niya
ay binubunton niya sa pamamagitan ng paglalasing, pag-uutos sa mga sundalo na
magsanay sa init ng araw o dili kaya ay sinasaktan ang kanyang eposa.
Bagama’t
may hidwaan ang alpares at Pari Salvi kapag sila ay nagkikita ay pareho silang
nagpaplastikan. Sila ay nagbabatian sa harap ng maraming tao at para walang
anumang namamagitan di pagkakaunawaan. Pero, kapag hindi na magkaharap gumagawa
sila ng kani-kanilang mga paraan para makapaghiganti sa isa’t-isa. Ang
alpares at Pari Salvi ang tunay na makapangyarihan sa San Diego. Ang tawag
sa kanila ay mga casique.
Kabanata XII
Araw ng mga Patay
Buod
Ang
sementeryo ng San Diego ay nasa kalagitnaan ng isang malawak na
palayan at may bakod na lumang pader at kawayan. Lubhang napakakipot ng daang
patungo rito. Ito ay maalikabok kung tag-araw at nagpuputik naman kung
tag-ulan. Mayroong isang malaking krus na nasa gitna ng libingan. Ito ay
mayroong nakatungtong na bato at nakatitik ang INRI sa isang kuping lata na
niluma na ng panahon. Masukal ang kabuuan ng libingan.
Sa
ibang bahagi ng libingan, may dalawang tao ang humuhukay ng paglilibingan na
malapit sa pader na parang babagsak na. Ang isa ay dating sepulturero at ang
isa naman ay parang bago sapagkat hindi siya mapakali, dura ng dura sa lupa at
panay ang hitit ng sigarilyo. Sinabi ng naninigarilyong lalaki sa
sepulturero na lumipat na sila ng ibang lugar sapagkat sariwa at dumudugo pa
ang bangkay na kanyang hinuhukay. Hindi niya matagalan ang gayong
tanawin.
Sumagot
ang kausap na siya raw ay napakaselan at marahil kung siya ang nasa kanyang
kalagayan na ipinahukay ang isang bangkay na may 20 araw pa lang nalilibing sa
gitna ng kadiliman ng gabi, kasalukuyang bumubuhos ang malakas na ulan at
namatay ang kanyang ilaw ay lalo siyang mandidiri at kikilabutan ang buong
katawan.Ang bangkay anya ay kailangang pasanin at ilibing sa libingan ng mga
intsik. Gayunman, dahil nga sa malakas ang buhos ng ulan at kabigatan ng
bangkay, minarapat na lamang na itapon niya ito sa lawa. Ito ay dahil sa utos
ng malaking kura na si Padre Garrote.
Kabanata XIII
Mga Unang Banta ng Unos
Buod
Dumating
si Ibarra sa libangan at hinanap ang puntod ng ama- si Don Rafael. Kasama niya
ang isang matandang utusan niya. Sinabi ng matanda kay Ibarra, na si Kapitan
Tiyago ang nagpagawa ng nitso ni Don Rafael. Ito anya ay tinaniman niya ng mga
bulaklak ng adelpa at sampaga at nilagyan ng krus. Nakita nina Ibarra at
matanda ang sepulturero. Sinabi nila ang palatandaan ng libingan ni Don Rafael.
Tumango ang tagapaglibing. Pero, nasindak si Ibarra ng ipagtapat ng sepulturero
na kanyang sinunog ang krus at itinapon naman ang bangkay sa lawa dahil sa utos
ni Padre Garrote. Higit umanong mabuti na mapatapon ang bangkay sa lawa kaysa
makasama pa ito sa libingan ng mga intsik.
Parang
pinagtakluban ng langit at lupa si Ibarra. Nasindak siya ng husto. Ang matanda
naman ay napaiyak sa kanyang narinig. Parang baliw na nilisan ni Ibarra ang
kausap hanggang sa makasalubong niya si Pari Salvi na nakabaston na may
puluhang garing. Kaagad na dinaluhong ni Ibarra si Pari Salvi. Bakas sa
mukha ni Ibarra ang nagalalatang na poot at galit sa dibdib. Nararamdaman iyon
ni Pari Salvi. Tinanong ni Ibarra si Pari Salvi kung bakit nagawa nila ang
malaking kalapastangan sa kanyang ama. Sumagot si Pari Salvi na hindi siya ang
may kagagawan niyon kundi si Padre Damaso na tinawag na Padre Garrote.
Kabanata XIV
Si Pilosopo Tasyo
Buod
Si
Pilosopo Tasyo ay dating Don Anastacio. Siya ay laging laman ng lansangan,
walang tiyak na direksyon ang kanyang paglalakad. Nang araw na iyon ay dumalaw
din siya sa libingan upang hanapin ang puntod ng nasirang asawa. Ang
pagkakilala kay Tasyo ng mga mangmang ay isang taong may toyo sa ulo o
baliw. Anak siya ng mayaman. Pero, dahil sa katalinuhan niya ay pinahinto
sa pag-aaral mula sa dalubhasaan ng San Jose. Natatakot kasi ang kanyang
ina, na dahil sa pagtatamo niya ng higit na mataas na kaalaman, baka
makalimutan niya ang Diyos. Isa pa, gusto ng kanyang ina na siya ay magpare.
Pero,hindi niya ito sinunod at sa halip ay nag-asawa na lamang siya. Gayunman,
pagkaraan ng isang taon, namatay ang kanyang asawa. Inukol na lamang ni Tasyo
ang sarili sa pagbabasa ng mga aklat hanggang sa mapabayaan niya ang kanyang
mga minanang kayamanan. Bagamat nang hapong iyon mayroong babala na
darating ang unos sapagkat matatalim na kidlat ang gumuguhit sa nagdidilim
na langit, masaya pa rin ang hitsura ni Pilosopo Tasyo. Ito ang ipinagtaka ng
mga taong nakakausap niya. Tinanong siya kung bakit, Diretso ang sagot
niya:"Ang pagdating ng bagyo ang tangi kong pag-asa sapagkat’t ito ang
magdadala ng mga lintik na siyang papatay sa mga tao at susunog sa mga
kabahayan. Sana magkaroon din ng delubyo sapagkat may sampung taon na
ngayon, isinuwestiyon ko sa bawat kapitan ang pagbili nila ng tagahuli ng
kidlat o pararayos ngunit ako’y pinagtawanan lamang ng lahat."
Ayon
pa sa kanya, hindi binili ng mga kapitan ang kanyang pinabibili at sa halip ay
mga paputok at kuwitis ang kanilang binili at binayaran ang bawat dupikal ng
kampana, gayong sa agham ay mapanganib ang tugtog ng mga batingaw kapag
kumukulog. Iniwanan ni Tasyo ang kausap at nagtuloy ito sa simbahan. Inabutan
niya ang dalawang bata sa pagsasabing ipinaghanda sila ng kanilang ina ng
hapunang pangkura. Tumanggi ang mga bata. Lumabas ng simbahan si Tasyo at
nagtuloy sa may kabayanan. Nagtuloy siya sa bahay ng mag-asawang Don Filipo at
Aling Doray. Masayang sinalubong ng mag-asawa at itinanong kung nakita niya si
Ibarra na nagtungo sa libingan. Sumagot siya ng oo sa pagsasabing nakita niya
itong bumaba sa karwahe. Naramdaman niya, anya, ang naramdaman ni Ibarra nang
hindi makita ang libing ng ama. Ayon kay Tasyo isa siya sa anim na kataong
nakipaglibing kay Don Rafael.
Sa
pag-uusap pa rin nila, nabanggit ni Aling Doray ang tungkol sa purgatoryo
sapagkat nuon ay undas nga. Sinabi ni Tasyo na hindi siya naninwala sa
purgatoryo. Pero, sinabi niyang iyon ay mabuti, banal at maraming kabutihan ang
nagagawa nito sa tao upang mabuhay ng malinis at dalisay na pamumuhay.
Binigyang diin pa niya na ang purgatoryo ay siyang tagapag-ugnay ng namatay sa
nabubuhay. Pagkuwa’y nagpaalam na siya. Palakas ng palakas ang buhos ng
ulan. Ito ay sinasalitan ng matatalim na kidlat at kulog. Siyang-siya si
Pilosopo Tasyo sa gayong pangyayari sapagkat nakataas pa ang kanyang dalawang
kamay at nagsisigaw habang naglalakad papalayo sa mag-asawa.
Kabanata XV
Ang mga Sakristan
Buod
Parang
plegarya ang tunog ng kampanang binabatak ng magkapatid na sakristan na sina
Crispin at Basilio. Sila ang kausap kanina ni Pilosopo Tasyo at sinabihan ng
sila ay hinihintay ng kanilang inang si Sisa para sa isang hapunang pangkura.
Sa anyo ng hitsura ng magkapatid mapagsisino na sila ya hilahod sa
hirap. Sinabi ni Crispin kay Basilio ng kung kasama sila ni Sisa.
Disin sana, siya ay hindi mapagbibintangang isang magnanakaw. At kung
malalaman ni ni Sisa na siya ay pinapalo, tiyak hindi papayag ang kanilang ina.
Ang anyo ng pangamba sa mukha ni Crispin ay nababakas. Idinadalangin
na sana magkasakit silang lahat. Ang suweldo lang kasi ni ay dalawang
piso sa isang buwan. Minultahan pa siya ng tatlong beses. Pero, hindi pumayag
si Basilio sapagkat walang kakainin ang kanilang ina. Isa pa ang katumbas ng
dalawang onsa ay P32.00. lubhang mabigat ito para kay Basilio.
Ipinakiusap
ni Crispin na bayaran na lamang ni Basilio ang ibinibintang sa kanya. Pero,
kulang pa ang sasahurin ni Basilio kahit magbayad sila. Dahil dito, nasabi ni
Crispin na mabuti pa ngang magnanakaw na siya sapagkat maililitaw niya ito. At
kung papatayin man siya sa palo ng kura at siya’y mamamatay magkakaroon naman
ng mga damit si Sisa at ang kapatid na si Basilio. Nasindak ang huili sa
binanggit ng kapatid. Nag-aalala pa si Basilio na kapag nalaman ng
kanilang ina napagbintangang nagnakaw si Crispin, tiyak na magagalit ito. Pero,
sinabi ni Crispin na hindi maniniwala ang kanilang ina sapagkat ipikikita niya
ang maraming latay na likha ng pagpalo ng kura at ang bulsa niyang butas-butas
na walang laman kundi isang kuwalta na aginaldo pa niya noong paslo, na kinuha
pa sa kanya ng hidhid na kura. Gulo ang isip ni Crispin dahil mahirap na
gusot na napasukan nilang magkapatid. Gusto niyang makauwi silang magkapatid
upang makakain ng masarap na hapunan. Magmula ng mapagbintangan siyang
nagnakaw, hindi pa siya pinapakain hangga’t hindi niya naisauli ang dalawang
onsa. Maliwanag sa mga pahayag ni Crispin na kaya siya napagbintangang
magnanakaw sapagkat ang kanilang ama ay mabisyo, lasenggero at sabungero.
Habang
nag-uusap ang magkapatid, ang sakristan mayor ay walang kilatis na nakapanhik
sa palapag na kinaroonan nila. Antimano, puyos ito sa galit. Sinabi niya kay
Basilio na ito ay kanyang minumultahan dahil sa hindi tamang pagtugtog ng
kampana. Kapagdaka, si Crispin naman ang hinarap at sinabing hindi ito
makakauwi hanggang hindi niya inilalabas ang dalawang onsa na binibintang sa
kanya. Tinangkang mangatwiran ni Basilio, pero sinanslaa siya ng sakristan
mayor sa pagsasabing kahit na siya ay hindi makakauwi hanggang hindi sumasapit
ang eksaktong ika-10 ng gabi. Gimbal si Basilio sapagkat ika-9 pa lamang ng
gabi ay wala ng puwedeng maglakad sa lansangan kung gabi. Makikiusap
pa sana si Basilio, pero biglang sinambilat ng sakristan mayor si
Crispin sa bisig at kinaladkad na papanaog sa hagdanan hanggang sa sila ay
lamunin sa dilim. Dinig ni Basilio ang pagpapalahaw ng kapatid. Pero, wala
siyang magawa, naiwan itong parang tulala. Ang bawat pagsampal ng sakristan kay
Crispin ay sinusundan ng masakit na pagdaing. Nanlaki ang mata at nakuyom ni
Basilio ang kanyang palad sa sinapit ng kapatid. Pumasok sa isip na kung kailan
siya maaaring magararo sa bukid habang naririning niya ang paghingi ng saklolo
ni Crispin. Mabilis na pumanhik siya sa ikalawang palapag ng kampanaryo.
Mabilis na kinalag niya ang lubid na nakatali sa kampana at nagpatihulog na
padausdos sa bintana ng kampanaryo. Nuon ang langit ay unti-unti ng
nagliliwanag sapagkat humihinto na ang ulan
Kabanata XVI
Si Sisa
Buod
Ang
kadiliman ay nakalatag na sa buong santinakpan. Mahimbing na natutulog ang mga
taga-San Diego pagkatapos na makapag-ukol ng dalangin sa kanilang mga yumaong
mga kamag-anak. Pero, si Sisa ay gising. Siya ay nakatira sa isang maliit na
dampa na sa labas ng bayan. May isang oras din bago narating ang kanyang
tirahan mula sa kabayanan. Kapuspalad si Sisa sapagkat nakapag-asawa siya
ng lalaking iresponsable, walang pakialam sa buhay, sugarol at palaboy sa
lansangan. Hindi niya asikaso ang mga anak, tanging si Sisa lamang ang
kumakalinga kay Basilio at Crispin. Dahil sa kapabayaan ng kanyang asawa,
naipagbili ni Sisa ang ilan sa mga natipong hiyas o alahas nito nuong sila siya
ay dalaga pa. Sobra ang kanyang pagkamartir at hina ng loob. Sa madalang na
paguwi ng kanyang asawa, nakakatikim pa siya ng sakit ng katawan. Nananakit ang
lalaki. Gayunaman, para kay Sisa ang lalaki ay ang kanyang bathala at ang
kanyang mga anak ay anghel.
Nang
gabing iyon, abala siya sa pagdating nina Basilio at Crispin. Mayroong tuyong
tawili at namitas ng kamatis sa kanilang bakuran na siyang ihahain niya kay
Crispin. Tapang baboy-damo at isang hita ng patong bundok o dumara na hiningi
niya kay Pilosopo Tasyo ang inihain niya kay Basilio. Higit sa lahat, nagsaing
siya ng puting bigas na sadyang inani niya sa bukid. Ang ganitong hapunan ay
tunay na pangkura, na gaya ng sinabi ni Pilosopo Tasyo kina Basilio
at Crispin ng puntahan niya ang mga ito sa simbahan. Sa kasamaang palad,
hindi natikman ng magkapatid ang inihanda ng ina sapagkat dumating ang kanilang
ama. Nilantakang lahat ang maga pagkaing nakasadya sa kanila. Itinanong pa niya
kung nasaan ang dalawa niyang anak. Nang mabundat ang asawa ni Sisa ito ay
muling umalis dala ang sasabunging manok at nagbilin pa siya na tirahan siya ng
perang sasahudin ng anak. Windang ang puso ni Sisa. Hindi nito mapigilan
na hindi umiyak. Paano na ang kanyang dalawang anghel. Ngayon lamang siya
ngluto, tapos uubusin lamang ng kanyang walang pusong asawa.
Luhaang
nagsaing siyang muli at inihaw ang nalalabing daing na tuyo sapagkat naalala
niyang darating na gutom ang kanyang mga anak. Hindi na siya napakali sa
paghihintay. Upang maaliw sa sarili, di lang iisang beses siya umawit nang
mahina. Saglit na tinigil niya ang pagaawit ng kunduman at pinukulan niya ng
tingin ang kadilimang bumabalot sa kapaligiran. Nagkaroon siya ng malungkot na
pangitain. Kasalukuyan siyang dumadalangin sa Mahal Na Birhen, ng gulantangin
siya ng malakas na tawag ni Basilio mula sa labas ng bahay.
Kabanata XVII
Si Basilio
Buod
Napatigagal
si Sisa nang dumating si Basiliong sugatan ang ulo. Dumadaloy ang masaganang
dugo. Ipinagtapat ni Basilio ang dahilan ng kanyang pagkakasugat. Siya ay
hinabol ng mga guwardiya sibil at pinahihinto sa paglakad. Pero siya ay
kumaripas ng takbo sapagkat nangangamba siyang kapag nahuli siya ay parurusahan
siya at paglilinisin sa kuwartel. Dahil sa hindi niya paghinto siya ay binaril.
Dinaplisan siya ng punglo sa ulo. Sinabi din niya sa ina na naiwan niya sa
kumbento si Crispin. Nakahinga ng maluwag si Sisa. Ipinakiusap ni Basilio sas
ina, na huwag sabihin kanino man ang dahilan ng kanyang pagkakasugat sa ulo. At
sa halip ay sabihin na lamang na nahulog siya sa puno.
Tinanong
ni Sisa kung bakit naiwan si Crispin. Sinabi ni Basilio na napagbintangan na
nagnakaw ng dalawang onsa si Crispin. Hindi niya sinabi ang parusang natikman
ng kapatid sa kamay ng sakristan mayor. Napaluha si Sisa dahil sa awa sa anak.
Sinabing ang ma dukhang katulad lamang nila ang nagpapasan ng maraming hirap sa
buhay. Hindi nakatikim ng pagkain si Basilio. Kaagad na sinayasat ng ang ina
nang malaman na dumating ang ama. Alam niyang pagdumarating ang ama tumitiking
ng bugbog ang ina. Nito. Nabanggit ni Basilio na higit na magiging mabuti ang
kanilang kalagayan, kung silang tatlo na lamang. Hitsa puwera ang ama. Ito ay
pinagdamdam ni Sisa.
Sa
pagtulog ni basilio siya ay binangungot. Sa panaginip niya, nakita niya ang
kapatid na si Crispin ay pinalo ng yantok ng kura at sakristan major hangang sa
ito ay panawan ng malay tao. Dahil sa kanyang malakas na pagungol, siya ay
ginising ni Sisa. Tinanong ni Sisa kung ano ang napanaginipan nito. Hindi
sinabi ni Basilio ang dahilan at sa halip , kanyang sinabi kung ano ang
balak nito sa kanilang pamumuhay. Ang kaniyang balak ay (1) ihihinto na silang
magkakapatid sa pagsasakristan at ipapakaon niya si Crispin kinabukasan din,
(2) hihilingin niya kay Ibarra na kunin siyang pastol ng kanyang baka at
kalabaw at (3) kung malaki-laki na siya, hihilingin niya kay Ibarra na bigyan
siya ng kapirasong lupa na masasaka.
Sa
pagsusuri ni Basilio sila ay uunlad sa kanilang pamumuhay dahil siya ay
magsisipag sa pagpapayaman at paglilinang sa bukid na kanyang sasakahin kung
saka-sakali. Si Crispin ay mag-aaral kay Pilosopo Tasyo at si Sisa ay
titigil na sa paglalamay ng mga tinatahing mga damit. Sa lahat ng sinasabi ni
Basilio, si Sisa ay nasisiyahan. Ngunit lihim na napaluha ito sapagkat hindi
isinama ng anak sa kanyang mga balak ang kanilang ama.
Kabanata XVIII
Mga Kaluluwang Naghihirap
Buod
Napuna
ng mga manang na matamlay at tila may-sakit si Pari Salvi ng magmisa
kinabukasan. Naruon sa kumbento ang mga manang at manong upang isangguni sa
kura kung sino ang pipiliin niyang magsermon sa kapistahan ng bayan. Si Pari
Damaso ba? Pari Martin o ang coordinator? Sa kanilang paghihintay, naging paksa
sa kanilang usapan ang tungkol sa pagkakaroon ng ‘indulhensiya plenarya,’ na
siyang tanging kailangan ng mga kaluluwang nagdurusa sa purgatoryo upang
mahango roon. Ang isang karaniwang indulhensiya sa kanilang pagkaalam ay katumbas
na ng mahigit na 1,000 taong pagdurusa sa purgatoryo. Ang mga manang na
nag-uusap ay pinangungunahan ng isang batang-batang balo, Manang Rufa at Manang
Juana. Dahil sa kanilang kaabalahan sa pag-uusap, hindi nila napansin ang
pagdating ni Sisa.
Siya
ay mayroong sunong na bakol na puno ng sariwang gulay na pinitas niya sa
kanyang halamanan. Mayroon din siyang halamang dagat na katulad ng pako, na
paboritong gawing salad ng kura. Suot niya ang kanyang pinakamagandang damit.
Tulog pa si Basilio ng umalis siya sa kanilang dampa. Dumiretso si Sisa sa
kusina ng kumbento. Inaasahan niya na marinig ang tinig ni Crispin. Ngunit
hindi niya ito marinig. Binati niya ang nga sakristan at kawasi sa kumbento.
Hindi siya napansin ng mga ito. Kung kaya’t siya na mismo ang nag-ayos sa mga
dala niyang gulay sa isang hapag.
Nakiusap
si Sisa sa tagapagluto kung maari niyang makausap ang pari. Pero, sinabi sa
kanyang hindi sapagkat may sakit ito. Tinanong niya ang tagapagluto, Kung
nasaan si Crispin. Ang sagot sa kanyang tanong ay parang bombang sumabog
sa kanyang pandinig: Si Crispin ay nagtanan din pagkatapos na makapagnakaw ng
dalawang onsa at pagkawala ng pagkawala ng makapatid. Naipagbigay alam na ng
alila sa utos ng kura ang pangyayari sa kwartel. Ang mga guwardiya sibil ay
maaring nasa dampa na nina Sisa upang hulihin ang magkapatid, pagdiin pa ng
alila. Nangatal si Sisa. Naumid ang labi. Mabilis na tinakpan ang kanyang
dalawang tainga nang paratangan siya ng alila na isang inang walang turong
mabuti sa mga anak dahil nagmana ito sa ama. Tuliro siyang nagtatakbong
nilisan ang kumbento. Gulong-gulo ang isip.
Kabanata XIX
Mga Suliranin ng Isang
Guro
Buod
Kahit
na dumaan ang malakas na bagyo,ang lawa ay hindi gaanong nabagabag. Palibhasa
ito ay napapaligiran ng mga bundok. Sa atbi ng lawa, nag-uusap sina Ibarra at
ang binatang guro. Itinuro ng guro kay Ibarra kung
saang panig ng lawa itinapon ang labi ni Don Rafael. Sang –ayon sa kanya,
kasama si Tenyente Gueverra nuong itinapon ang bangkay. Wala siyang tanging
magawa nuon kundi makipaglibing. Malaki ang utang na loob kay Don Rafael.
Nuong bagong salta ito sa San Diego, ang Don ang tumustos sa
kanyang mga pangangailangan sa pagtuturo. Sinabi ng guro kay Ibarra na ang
malaking suliranin niya at ng mga mag-aaral ay ang kakulangan ng
magagastos.
Malaki
ring problema anya, ang kawalan ng pagtutulungan ng mga magulang at mga taong
nasa pamahalaan. Lumilitaw na hindi ang lahat ng mga pangangailangan ng mga
batang nag-aaral na katulad ng mga libro na karaniwang nasusulat sa wikang
Kastila at ang pagmememorya ng mga bata sa mga nilalaman nito. Dahil din sa
kakulangan ng mga bahay-paaralan, ang klase ay ginaganap sa silong ng kumbento
sa tabi ng karwahe ng kura. Nasanay ang mga bata na bumasa ng malakas. Ito
ay nakakabulabog sa kura, kaya nakakatikim ng sigaw, at mura ang mga bata at
guro. Nabanggit din ng guro kay Ibarra na dahil sa pagbabagong kanyang
ginawa, madaling natutuhan ng mga mag-aaral ang wikang kastila. Pero siya ay
nilait ni Pari Damaso sa pagsasabing ang wikang kastila ay hindi nababagay sa
katulad niyang mangmang. Ang kailangan lamang niyang matutuhan ay
tagalog.
Ipinaris
pa siya ni Pari Damaso kay Maestro Circuela, isang guro na di marunong bumasa
ngunit nagtayo ng eskwela at nagturo ng pagbasa sa kanyang mga estudyante.
Labag man sa kanyang kalooban, wala siyang magawa kundi sumunod kay Pari
Damaso. Pero, nag-aral din ang guro ng wikang kastila oara sa kanyang
oansariling interes. Sobra ang pakialam ni Pari Damaso sa guro. Nang
huminto ang guro sa paggamit ng pamalo sa pagtuturo. Siya ay ipinatawag ng kura
upang ipabalik sa kanya ang pagagmit ng pamalo saspagkat mabisa ito sa
pagtuturo. Tumututol man sa kanyang kalooban, sumunod din siya saspagkat
mismong mga magulang ay napahinuhod ni Pari Damaso na ibalik ang pamalo sa
pagtuturo,. Dahil ssa naging sukal sa kalooban ang pagtuturo, nagkasakit ang
guro. Nang ito ay guamling at bumalik sa serbisyo, kakarampot na lamang ang
kanyang tinuturuan. Sa kanyang pagbabalik, nagkaroon ng bagong kura. Hindi na
si Pari Damaso. Nabuhayan siay ng pag-asa. Sinikap niyang isalin sa wikang
tagalog ang mga aklat na nasusulat sa wikang kastila.
Bukod
dito, dinagdagan niya ang mga aralin sa katesismo, pagsasaka,kagandahang asal
na hango sa Urbanidad ni Hustensio at Felisa at sa Kasasysayan mg Pilipinas.
Pero, sa lahat ng mga araling ito dapat unahin ang pagtuturo ng relihiyon ,
ayon sa mga bagong kura nang ipatawag niya ang guro. Nagkomit si Ibarra na
tutulungan niya ang guro sa pamamgitan ng pulong sa tribunal na kanyang
dadaluhan sa paanyaya ng tinyente mayor.
Kabanata XX
Ang Pulong sa Tribunal
Ang
tribunal ay isang malaking bulwagan na siyang pinagtitipunan at lugar na
pulungan mga may kapangyarihang mga tao sa bayan. Nang duting sina Ibarra at
ang guro, nagsissimula na ang pagpupulong. May dalawang pangkat na nakapaqligid
sa mesa. Ito ay binuo ng dalawang lapian sa bayan. Ang conserbador ay pangkat
ng mga matatanda. Ang isa naman ay pangkat ng mga liberal na binubuo ng mga
kabataan. Ito ay pinamumunuan ni Don Felipo. Pinagtatalunan nila ang tungkol sa
pagdaraos ng pista ng San Diego. May labing isang araw na lamang ang
nalalabi at pista na. Tinuligsa ni Don Felipo ang tinyente mayor at kapitan
dahil malabo pa ang mga paghahanda sa piyesta.
Kung
saan-saan napunta ang kanilang pulong. Nagsalita pa si Kapitan Basilyo,isang
mayaman na nakalaban ni Don Rafael. Walang binesa at walang kawawaan ang
talumpati niya. Dahil dito,isinahapag ni Don Felipo ang isang mungkahi at
talaan ng mga gastos. Ang mungkahi niya ay magtayo ng isang malaking tanghalan
sa liwasang bayan at magtanghal ng komedya sa loob ng isang linggong singkad.
Ang dulaan ay nagkakahalaga ng P160.00 samantalang ang komedya ay P1,400 na
tig-P200. Bawat gabi. Kailangan din ang mga paputok na paglalaanan ng P1,000.
Binatikos si Don Felipo sa kanyang mga mungkahi, kung kaya’t iniatras niya ang
mga ito.
Sumunod
na nagpananukala naman ay ang kabisa na siyang puno ng mga matatanda. Ang
kanyang mungkahi (1) tipirin ang pagdiriwang (2) walang paputok (3) ang
magpapalabas ng komedya ay taga San Diego at ang paksa ay sariling ugali upang
maalis ang mga masamang ugali at kapintasan. Nawalang saysay din ang
panukala ng kabisa sapagkat ipinahayag ng kapitan na tapos na ang pasya na kura
na tungkol sa pista.Ang pasya ng kura ay ang pagdaraos ng anim na prusisyon,
tatlong sermon, tatlong misa mayor at komedya sa Tundo. Ito ang gusto ng kura,
kaya sumang-ayon na lamang ang dalawang pangkat. Nagpaalam si Ibarra sa
guro at ipinaalam na siya’y pupunta sa ulumbayan ng lalawigan upang lakarin ang
isang mahalagang bagay.
No comments:
Post a Comment