Alaalang Kupas

Isipang puno ng maraming alalahanin,
Inakala na magtatagal ang paglingap.
Puso ay umasa na kakausapin,
Pagsinta na dulot lamang ay hirap.

Sa bawat ngiti, hindi dapat nagtiwala
Lungkot ang dinala ng bawat pag-gilas.
Sa katotohanan, ay wala naman pala
Kaya dapat lamang na pumiglas.

Pudpod na ang labi sa kakangawa,
Hilong isipan pilit na humihilagpos.
Takdang aralin hindi na magawa,
Proyekto sa araw hindi na matapos.

Sana hindi na maalala,
Sana hindi na nakilala..

No comments:

Post a Comment