Bentilador

Nga.. ha.. ha.. ha.. ah.. 
Bibig na nakanganga,
Sinasalo ang ihip ng hangin,
Tila nahulog mula sa bangin.

Musmos at walang muwang,
Munting isipan ay namamangha,
Nitong batang mangmang,
Sa kaniyang mata ay mababadha.

Sa harap ng elektrikpan,
Parang kweba na hinihipan,
Namumutawi sa bibig ang alingawngaw,
Sa puso ay nagbibigay aliw.

Babaling sa kaliwa,
Babaling sa kanan,
Pilit na sinusundan,
Pabalik-balik na direksyon.

Hindi pansin daliring maiipit,
Kahit mata pa niya ay pipikit-pikit,
Sa hilam ng hanging pumipihit,
Paboritong pampawi ng init.

Paaralan

Guro at Mag-aaral
Labas-pasok sa Pamantasan
Hinuhubog ang karunungan
Para sa hangad na karangalan

Sipag at Tiyaga
Puhunan ng lahat
Sa pagkakaisa ay magkasama
Upang kamtin ang kalidad na Edukasyon

Dunong at Disiplina
Sandata kapwa estudyante at maestra
Sa pagtamo sa tagumpay
Lumalaban para sa magandang kinabukasan

Iba-iba man ang kulay at anyo
Subali’t iisa ang layunin
Ang makapag-tapos sa pag-aaral
At makatugon sa tungkulin

Pagsasalin

Truth My Friend
by: Waller Domingo
               
Many days I have pondered
about our friendship
what I always wondered
will I lose grip?

To face the reality
takes a brave brain
even so
when there is little gain

what if I become encumbered
by relativism?
or become blinded
by logical positivism

All I've ever sought
was your authenticity
but the world has hidden
your certainty

At the end of the day
I hope and pray
that you I will trust
not the devil's rust
Katotohanan Aking Kaibigan
ni: Waller Domingo

Maraming araw akong nagninilay
tungkol sa ating pagkakaibigan
ang palagi kong pinagtatakhan
ay kung makakabitiw ako sa pagkahawak?

Upang harapin ang katotohanan
tangan ang matalas na isip
gayon pa man
kapag may kaunting pakinabang

paano kung mabigatan ako
sa pamamagitan ng relatibismo?
o maging bulag
sa pamamagitan ng lohikal na positibismo

Lahat ng aking hinahangad
ay ang iyong pagiging tunay
ngunit ang mundo ay nakatago
ang iyong katiyakan

Sa katapusan ng araw
Umaasa ako at nagdarasal
na ako ay may tiwala
hindi sa diyablo na kalawangin

Abraham Lincoln's Letter to his Son's Teacher


He will have to learn, I know that all men are not just all men are not true.
But teach him also that for every scoundrel there is a hero:
that for every selfish Politician, there is a dedicated leader...
Teach him for every enemy there is a friend,

Steer him away from envy if you can teach him the secret of quiet laughter.

Let him learn early that the bullies are the easiest to lick... 
Teach him, if you can the wonder of books...
But also give him quiet time to ponder the eternal mystery of birds in the sky,
bees in the sun and the flowers on a green hillside.

In the school teach him it is far honourable to fail than to cheat...
Teach him to have faith in his own ideas 
even if everyone tells him they are wrong...
Teach him to be gentle with gentle people and tough with the tough.

Try to give my son the strength not to follow the crowd
when everyone is getting on the band wagon...
Teach him to listen to all men... 
but teach him also to filter
all he hears on a screen of truth and take only the good that comes through.

Teach him if you can, how to laugh when he is sad...
Teach him there is no shame in tears
Teach him to scoff at cynics and to beware of too much sweetness...
Teach him to sell his brawn and brain to the highest bidders
but never to put a price-tag on his heart and soul.

Teach him to close his ears to a howling mob 
and to stand and fight if he thinks he's right.
Treat him gently but do not cuddle him because only the test
of fire makes fine steel.

Let him have the courage to be impatient... 
let him have the patience to be brave.
Teach him always to have sublime faith in himself 
because then he will have sublime faith in mankind.

This is a big order but see what you can do...
He is such a fine fellow, My son!

Ikaw at Ako

Malayo na ang ating narating..,
Ilan taon pa kaya ang darating?..
Hindi mabilang oras at araw na pinagsamahan,
Marami nang luha at saya ang pinagdaanan.

    Kuwentuhang walang katapusan,
Paulit-ulit na binabalikan.
Sinasaliwan ng pusong magkapilas,
Na mahirap nang makapiglas.

     Malayo na ang ating narating..,
Hanggang saan makakarating?..
Ang pagkakaisa ng haka at hinuha ,
Na laging namamasdan ng ating mukha.

    Parang pantablay na pumapawi ng lumbay,
Tila duyog na sinisilayan ng malumanay,
Harayang napapadpad ang damdamin,
Parang hinagap na malayang umaamin.

    Ikaw at Ako na mahirap mawatasan,
Hindi alintana ang salagimsim ng kinabuksan.
Lalayo ba paurong?..
O babalik ba pasulong?..

Alaalang Kupas

Isipang puno ng maraming alalahanin,
Inakala na magtatagal ang paglingap.
Puso ay umasa na kakausapin,
Pagsinta na dulot lamang ay hirap.

Sa bawat ngiti, hindi dapat nagtiwala
Lungkot ang dinala ng bawat pag-gilas.
Sa katotohanan, ay wala naman pala
Kaya dapat lamang na pumiglas.

Pudpod na ang labi sa kakangawa,
Hilong isipan pilit na humihilagpos.
Takdang aralin hindi na magawa,
Proyekto sa araw hindi na matapos.

Sana hindi na maalala,
Sana hindi na nakilala..

Haiku at Tanaga

_#1_
Pagmamahalan
Sagot sa kabangisan
Mundong kay gulo
_#2_
Ang karunungan
Kayamanan ng buhay
Dapat gamitin
_#3_
Kapalaran ng tao
Hindi mo malilirip
Tadhana pala
_#4_
Pagtatagumpay
Bunga nang kasipagan
Dulot ay saya
_#5_
Ang kalikasan
Ginawa ng Maykapal
Ating ingatan
_________________

Madalas kung hawakan
Anaki’y kaibigan
Hindi mo alintana
Dulot sa daliri mo.
      - Cellphone -            

Madilim na kapilas
Kasama na palagi
Mahirap na masukol
Anaki mo ay bantay.
         - Anino -

Pilitin man malirip
Hindi mo mababadha
Tanging Poong Maykapal
Maka-aarok nito.
             - Puso -

Malikot na magbungkal
Nagpapaikot-ikot
Mapaglaro tuwina
May tama at may mali.
              - Isip -

Ang pagsintang bubot pa
Parang apoy mag-alab
Mapusok ang damdamin
Pahapay-hapay man din.
     - Puppy Love -

Tula para sa Huling Pagsusulit

Kapatagan sa gitna ng bundok
Gulod na natatangi sa tuktok
Parang pinuno na nakaluklok.

Napapalibutan ng maraming bagay
Puno, bukirin, batis at halaman,
Iba–ibang anyo ng kalikasan.

Parang inakong ari-arian,
Nitong marikit na talampas
May sariling kanlungan.

Luklukan na malapit sa ulap
Daluyan ng tubig ulan
Umaagos sa lupa mula alapaap.

Lupa na tila isipan
Sumasalo ng tubig ulan
Upang maibsan ang tigang na hinagap.

(para kay a.k.a. Payatola)
 ____________________________

Patag,
Pakurba-kurba,
Matayog.

Bulubundukin na lupain
Likha ng Maykapal
Natatanaw hanggang kalawakan.

Makikita ang kagandahan
Malaking kumpol ng lupa at bato
Na hindi makikilos.

Matibay na kalupaan
Malaking lupa na nakausbong
Noon at ngayon matatag na bundok.

Hindi matinag na pundasyon
Hinubog ng panahon
Nauna sa lahat upang maging gabay.

Gabay ng lahat
Sa ikalalago ng kaalaman
Hindi mo masusukat.

(para kay a.k.a. Babaylan)
  _________________________

Karagatan na malawak
Umaagos sa mga ilog
Parang laot ng anyong tubig.

Dagat na puno ng kayamanan
Sagana sa kaalaman
Iba-iba ang nalalaman.

Maalat na tubig
Bumubuhay sa isda at halaman
Nagbibigay lasa sa matabang na kumon.

Mga alon na tinatangay ng hangin
Sa kaliwa at sa kanan
Parang samu’t-saring ideya.

Binabahagi sa lahat
Nagmamarka sa puso at bait
Sa mangmang na looban.

Hampas ng alon sa dalampasigan
Tila karunungan na iniluluwa ng dagat
Nag-iiwan ng bakas sa isipan..

Bakas na pabagu-bago
Dulot ay talino
Huhubog sa talento.

(para kay a.k.a. Supremo)

Asar Talo

Makulay ang buhay estudyante dahil sa’yo,
Parang artista kung magpahabol,
Natutulala ang diwa sa tuwing nagsasalita,
Tila teleserye na walang katapusan.

Makulay ang buhay paaralan dahil sa’yo,
Tila patak ng ulan ang iyong bibig kung nagsasalita,
Kahit laway mo’y tumatalsik na,
Tenga ko’y aktibo pa ding nakikinig.

Makulay ang buhay kabataan dahil sa’yo,
Tila payaso kung magpatawa,
Dahil sa iyong gilagid na mas malaki pa sa ngipin,
Utot ko'y mas malakas pa sa tawa ko.

Makulay ang buhay silid-aralan dahil sa’yo,
Parang hair extension kung mag-over time!
Pati sikmura ko naiinip sa gutom,
Kaya naman ngiti ko’y napapalitan ng ngiwe!