Makulay ang buhay estudyante dahil sa’yo,
Parang artista kung
magpahabol,
Natutulala ang diwa sa tuwing nagsasalita,
Tila teleserye na walang
katapusan.
Makulay ang buhay paaralan dahil sa’yo,
Tila patak ng ulan ang iyong bibig kung nagsasalita,
Kahit laway mo’y
tumatalsik na,
Tenga ko’y aktibo pa
ding nakikinig.
Makulay ang buhay
kabataan dahil sa’yo,
Tila payaso kung
magpatawa,
Dahil sa iyong gilagid na mas malaki pa sa ngipin,
Utot ko'y mas malakas pa sa tawa ko.
Makulay ang buhay silid-aralan dahil sa’yo,
Parang hair
extension kung mag-over time!
Pati sikmura ko naiinip
sa gutom,
Kaya naman ngiti ko’y
napapalitan ng ngiwe!
No comments:
Post a Comment