Dila
na matabil,
Sari-sari ang lumalabas.
Malaki ang gampanin,
Sa taong may dala.
May dila na sinungalin,
Kaaway ng magaling.
Dulot ay panganib sa tao,
Hindi dapat na pakinggan.
May dila na palabiro,
Sari-sari ang lumalabas.
Malaki ang gampanin,
Sa taong may dala.
May dila na sinungalin,
Kaaway ng magaling.
Dulot ay panganib sa tao,
Hindi dapat na pakinggan.
May dila na palabiro,
Kalahati ay totoo, kalahati ay lilo.
Mahirap malirip, may tono ng pang-uuyam.
Gamitan ng talino upang huwag malinlang
May dila na naghahatid-dumapit
Parang lason na mahirap masupil.
Sa pagkakasala ay hindi naglilikat,
Kakambal ng manglulupig, sumusunod sa Hades.
Animoý kamandag na walang lunas,
Sumusugat sa puso ng walang sala.
Sa labis na kadaldalan ay mapapahamak
Itong walang kabuluhang magpaghatid-dumapit!
Ngunit may natatangi, dila na magaling.
Nagsasalita ng tapat, nakaka-akit sa puso.
Parang asin na nagbibigay ng lasa.
Pumapawi ng lumbay, nagbibigay pag-asa.
Mahirap malirip, may tono ng pang-uuyam.
Gamitan ng talino upang huwag malinlang
May dila na naghahatid-dumapit
Parang lason na mahirap masupil.
Sa pagkakasala ay hindi naglilikat,
Kakambal ng manglulupig, sumusunod sa Hades.
Animoý kamandag na walang lunas,
Sumusugat sa puso ng walang sala.
Sa labis na kadaldalan ay mapapahamak
Itong walang kabuluhang magpaghatid-dumapit!
Ngunit may natatangi, dila na magaling.
Nagsasalita ng tapat, nakaka-akit sa puso.
Parang asin na nagbibigay ng lasa.
Pumapawi ng lumbay, nagbibigay pag-asa.
No comments:
Post a Comment