@ Kapatagan — isang lugar kung saan walang pagtaas
o pagbaba ng lupa, patag at pantay ang lupa rito. Maaaring itong taniman ng mga
palay,mais,at gulay.
@ Bundok — isang pagtaas ng lupa sa daigdig,
may matatarik na bahagi at hamak na mas mataas kaysa burol.
@ Bulkan — isang uri ng bundok sa daigdig na
kung saan ang tunaw na bato ay maaaring lumabas dito mula sa kailaliman ng daigdig.
May dalawang uri ng bulkan, una ang tinatawag na tahimik na kung saan matagal
na hindi ito sumasabog, tulad ng Bulkang
Makiling na
matatagpuan sa lalawigan ng Laguna; at ang ikalawang uri naman ay aktibo na
kung saan maaari itong sumabog anumang oras. Mapanganib ang ganitong bulkan.
Maaari itong sumabog at magbuga ng kumukulong putik at abo. Halimbawa nito ay
ang bulkang
Pinatubo.
@ Burol — higit na mas mababa ito kaysa bundok
at ang halimbawa nito ay ang tanyag na Chocolate Hills ng Bohol sa Pilipinas.
Pabilog ang hugis nito at tinutubuan ng mga luntiang damo sa panahon ng
tag-ulan at kung tag-araw ay nagiging kulay tsokolate.
@ Lambak — isang kapatagan ngunit napaliligiran
ng mga bundok. Marami ring mga produkto tulad ng gulay, tabako, mani, mais, at
palay ang maaaring itanim dito.
@ Talampas — patag na anyong lupa sa mataas na
lugar. Maganda ring taniman dahil mataba ang lupa rito. Malamig at mahangin sa
lugar na ito.
@ Tangway — isang pahaba at naka-usling anyong
lupang na halos napalilibutan ng tubig.
@ Baybayin — bahagi ng lupa na malapit sa tabing
dagat
@ Bulubundukin — matataas at matatarik na bundok na
magkakadikit at sunud-sunod.
@ Pulo — mga lupain na napalilibutan ng
tubig.
No comments:
Post a Comment