Noli Me Tangere_Kabanata.11-20

Kabanata XI 
Ang mga Makapangyarihan

Buod 

Bagamat Don Rafael, ang tawag sa ama ni Ibarra. Hindi siya ang Kinikilalang makapangyarihan kahit na siya ang pinakamayaman. Pero,siya ay iginagalang at halos lahat ng mga tao ay mayroong pagkakautang sa kanya. Sa kabila ng kabusilakan ng kanyang damdamin, siya ay kinalaban ng magkaroon ng usapin at ni wala pa ngang kakampi. Si Kapitan Tiyago man, kahit na masalapi at sinasalubong ng banda ng musiko at hinahainan ng masasarap na pagkain kapag nagpupunta sa bayan,siya ay nakatalikod, siya ay tinawag na Sakristan Tiyago. 

Ang kapitan sa bayan ay hindi rin kabilang sa mga tinatawag na casique o makapangyarihan. Ang kanyang puwesto ay nabili niya sa halagang P5,000. Madalas siyang sabunin at kagalitan ng alkalde mayor. Ang San Diego ay maihahalintulad sa Roma at Italya sa mahigpit na pag-aagawan sa kapangyarihan pamunuan ng bayan. Ang mga ito ay sina Pare Bemardo Salvi, isang payat at batang pransiskano at siyang pumalit kay Padre Damaso. Payat siya sapagkat mahilig siyang mag-ayuno. Kung ihahambing siya kay Pari Damaso, siya ay mabait at maingat sa tungkulin. Si Pari Salvi ay ang Alpares at ang kanyang asawa na si Donya Consolacion, isang Pilipina na mahilig maglagay ng mga kolorete sa mukha. Ang alpares ang puno ng mga guwardiya sibil. Ang pagkakapangasawa niya ay binubunton niya sa pamamagitan ng paglalasing, pag-uutos sa mga sundalo na magsanay sa init ng araw o dili kaya ay sinasaktan ang kanyang eposa. 

Bagama’t may hidwaan ang alpares at Pari Salvi kapag sila ay nagkikita ay pareho silang nagpaplastikan. Sila ay nagbabatian sa harap ng maraming tao at para walang anumang namamagitan di pagkakaunawaan. Pero, kapag hindi na magkaharap gumagawa sila ng kani-kanilang mga paraan para makapaghiganti sa isa’t-isa. Ang alpares at Pari Salvi ang tunay na makapangyarihan sa San Diego. Ang tawag sa kanila ay mga casique.

Kabanata XII 
Araw ng mga Patay

Buod 

Ang sementeryo ng San Diego ay nasa kalagitnaan ng isang malawak na palayan at may bakod na lumang pader at kawayan. Lubhang napakakipot ng daang patungo rito. Ito ay maalikabok kung tag-araw at nagpuputik naman kung tag-ulan. Mayroong isang malaking krus na nasa gitna ng libingan. Ito ay mayroong nakatungtong na bato at nakatitik ang INRI sa isang kuping lata na niluma na ng panahon. Masukal ang kabuuan ng libingan. 

Sa ibang bahagi ng libingan, may dalawang tao ang humuhukay ng paglilibingan na malapit sa pader na parang babagsak na. Ang isa ay dating sepulturero at ang isa naman ay parang bago sapagkat hindi siya mapakali, dura ng dura sa lupa at panay ang hitit ng sigarilyo. Sinabi ng naninigarilyong lalaki sa sepulturero na lumipat na sila ng ibang lugar sapagkat sariwa at dumudugo pa ang bangkay na kanyang hinuhukay. Hindi niya matagalan ang gayong tanawin. 

Sumagot ang kausap na siya raw ay napakaselan at marahil kung siya ang nasa kanyang kalagayan na ipinahukay ang isang bangkay na may 20 araw pa lang nalilibing sa gitna ng kadiliman ng gabi, kasalukuyang bumubuhos ang malakas na ulan at namatay ang kanyang ilaw ay lalo siyang mandidiri at kikilabutan ang buong katawan.Ang bangkay anya ay kailangang pasanin at ilibing sa libingan ng mga intsik. Gayunman, dahil nga sa malakas ang buhos ng ulan at kabigatan ng bangkay, minarapat na lamang na itapon niya ito sa lawa. Ito ay dahil sa utos ng malaking kura na si Padre Garrote.

Kabanata XIII 
Mga Unang Banta ng Unos

Buod 

Dumating si Ibarra sa libangan at hinanap ang puntod ng ama- si Don Rafael. Kasama niya ang isang matandang utusan niya. Sinabi ng matanda kay Ibarra, na si Kapitan Tiyago ang nagpagawa ng nitso ni Don Rafael. Ito anya ay tinaniman niya ng mga bulaklak ng adelpa at sampaga at nilagyan ng krus. Nakita nina Ibarra at matanda ang sepulturero. Sinabi nila ang palatandaan ng libingan ni Don Rafael. Tumango ang tagapaglibing. Pero, nasindak si Ibarra ng ipagtapat ng sepulturero na kanyang sinunog ang krus at itinapon naman ang bangkay sa lawa dahil sa utos ni Padre Garrote. Higit umanong mabuti na mapatapon ang bangkay sa lawa kaysa makasama pa ito sa libingan ng mga intsik. 

Parang pinagtakluban ng langit at lupa si Ibarra. Nasindak siya ng husto. Ang matanda naman ay napaiyak sa kanyang narinig. Parang baliw na nilisan ni Ibarra ang kausap hanggang sa makasalubong niya si Pari Salvi na nakabaston na may puluhang garing. Kaagad na dinaluhong ni Ibarra si Pari Salvi. Bakas sa mukha ni Ibarra ang nagalalatang na poot at galit sa dibdib. Nararamdaman iyon ni Pari Salvi. Tinanong ni Ibarra si Pari Salvi kung bakit nagawa nila ang malaking kalapastangan sa kanyang ama. Sumagot si Pari Salvi na hindi siya ang may kagagawan niyon kundi si Padre Damaso na tinawag na Padre Garrote.

Kabanata XIV 
Si Pilosopo Tasyo

Buod 

Si Pilosopo Tasyo ay dating Don Anastacio. Siya ay laging laman ng lansangan, walang tiyak na direksyon ang kanyang paglalakad. Nang araw na iyon ay dumalaw din siya sa libingan upang hanapin ang puntod ng nasirang asawa. Ang pagkakilala kay Tasyo ng mga mangmang ay isang taong may toyo sa ulo o baliw. Anak siya ng mayaman. Pero, dahil sa katalinuhan niya ay pinahinto sa pag-aaral mula sa dalubhasaan ng San Jose. Natatakot kasi ang kanyang ina, na dahil sa pagtatamo niya ng higit na mataas na kaalaman, baka makalimutan niya ang Diyos. Isa pa, gusto ng kanyang ina na siya ay magpare. Pero,hindi niya ito sinunod at sa halip ay nag-asawa na lamang siya. Gayunman, pagkaraan ng isang taon, namatay ang kanyang asawa. Inukol na lamang ni Tasyo ang sarili sa pagbabasa ng mga aklat hanggang sa mapabayaan niya ang kanyang mga minanang kayamanan. Bagamat nang hapong iyon mayroong babala na darating ang unos sapagkat matatalim na kidlat ang gumuguhit sa nagdidilim na langit, masaya pa rin ang hitsura ni Pilosopo Tasyo. Ito ang ipinagtaka ng mga taong nakakausap niya. Tinanong siya kung bakit, Diretso ang sagot niya:"Ang pagdating ng bagyo ang tangi kong pag-asa sapagkat’t ito ang magdadala ng mga lintik na siyang papatay sa mga tao at susunog sa mga kabahayan. Sana magkaroon din ng delubyo sapagkat may sampung taon na ngayon, isinuwestiyon ko sa bawat kapitan ang pagbili nila ng tagahuli ng kidlat o pararayos ngunit ako’y pinagtawanan lamang ng lahat." 

Ayon pa sa kanya, hindi binili ng mga kapitan ang kanyang pinabibili at sa halip ay mga paputok at kuwitis ang kanilang binili at binayaran ang bawat dupikal ng kampana, gayong sa agham ay mapanganib ang tugtog ng mga batingaw kapag kumukulog. Iniwanan ni Tasyo ang kausap at nagtuloy ito sa simbahan. Inabutan niya ang dalawang bata sa pagsasabing ipinaghanda sila ng kanilang ina ng hapunang pangkura. Tumanggi ang mga bata. Lumabas ng simbahan si Tasyo at nagtuloy sa may kabayanan. Nagtuloy siya sa bahay ng mag-asawang Don Filipo at Aling Doray. Masayang sinalubong ng mag-asawa at itinanong kung nakita niya si Ibarra na nagtungo sa libingan. Sumagot siya ng oo sa pagsasabing nakita niya itong bumaba sa karwahe. Naramdaman niya, anya, ang naramdaman ni Ibarra nang hindi makita ang libing ng ama. Ayon kay Tasyo isa siya sa anim na kataong nakipaglibing kay Don Rafael. 

Sa pag-uusap pa rin nila, nabanggit ni Aling Doray ang tungkol sa purgatoryo sapagkat nuon ay undas nga. Sinabi ni Tasyo na hindi siya naninwala sa purgatoryo. Pero, sinabi niyang iyon ay mabuti, banal at maraming kabutihan ang nagagawa nito sa tao upang mabuhay ng malinis at dalisay na pamumuhay. Binigyang diin pa niya na ang purgatoryo ay siyang tagapag-ugnay ng namatay sa nabubuhay. Pagkuwa’y nagpaalam na siya. Palakas ng palakas ang buhos ng ulan. Ito ay sinasalitan ng matatalim na kidlat at kulog. Siyang-siya si Pilosopo Tasyo sa gayong pangyayari sapagkat nakataas pa ang kanyang dalawang kamay at nagsisigaw habang naglalakad papalayo sa mag-asawa.

Kabanata XV 
Ang mga Sakristan

Buod 

Parang plegarya ang tunog ng kampanang binabatak ng magkapatid na sakristan na sina Crispin at Basilio. Sila ang kausap kanina ni Pilosopo Tasyo at sinabihan ng sila ay hinihintay ng kanilang inang si Sisa para sa isang hapunang pangkura. Sa anyo ng hitsura ng magkapatid mapagsisino na sila ya hilahod sa hirap. Sinabi ni Crispin kay Basilio ng kung kasama sila ni Sisa. Disin sana, siya ay hindi mapagbibintangang isang magnanakaw. At kung malalaman ni ni Sisa na siya ay pinapalo, tiyak hindi papayag ang kanilang ina. Ang anyo ng pangamba sa mukha ni Crispin ay nababakas. Idinadalangin na sana magkasakit silang lahat. Ang suweldo lang kasi ni ay dalawang piso sa isang buwan. Minultahan pa siya ng tatlong beses. Pero, hindi pumayag si Basilio sapagkat walang kakainin ang kanilang ina. Isa pa ang katumbas ng dalawang onsa ay P32.00. lubhang mabigat ito para kay Basilio. 

Ipinakiusap ni Crispin na bayaran na lamang ni Basilio ang ibinibintang sa kanya. Pero, kulang pa ang sasahurin ni Basilio kahit magbayad sila. Dahil dito, nasabi ni Crispin na mabuti pa ngang magnanakaw na siya sapagkat maililitaw niya ito. At kung papatayin man siya sa palo ng kura at siya’y mamamatay magkakaroon naman ng mga damit si Sisa at ang kapatid na si Basilio. Nasindak ang huili sa binanggit ng kapatid. Nag-aalala pa si Basilio na kapag nalaman ng kanilang ina napagbintangang nagnakaw si Crispin, tiyak na magagalit ito. Pero, sinabi ni Crispin na hindi maniniwala ang kanilang ina sapagkat ipikikita niya ang maraming latay na likha ng pagpalo ng kura at ang bulsa niyang butas-butas na walang laman kundi isang kuwalta na aginaldo pa niya noong paslo, na kinuha pa sa kanya ng hidhid na kura. Gulo ang isip ni Crispin dahil mahirap na gusot na napasukan nilang magkapatid. Gusto niyang makauwi silang magkapatid upang makakain ng masarap na hapunan. Magmula ng mapagbintangan siyang nagnakaw, hindi pa siya pinapakain hangga’t hindi niya naisauli ang dalawang onsa. Maliwanag sa mga pahayag ni Crispin na kaya siya napagbintangang magnanakaw sapagkat ang kanilang ama ay mabisyo, lasenggero at sabungero. 

Habang nag-uusap ang magkapatid, ang sakristan mayor ay walang kilatis na nakapanhik sa palapag na kinaroonan nila. Antimano, puyos ito sa galit. Sinabi niya kay Basilio na ito ay kanyang minumultahan dahil sa hindi tamang pagtugtog ng kampana. Kapagdaka, si Crispin naman ang hinarap at sinabing hindi ito makakauwi hanggang hindi niya inilalabas ang dalawang onsa na binibintang sa kanya. Tinangkang mangatwiran ni Basilio, pero sinanslaa siya ng sakristan mayor sa pagsasabing kahit na siya ay hindi makakauwi hanggang hindi sumasapit ang eksaktong ika-10 ng gabi. Gimbal si Basilio sapagkat ika-9 pa lamang ng gabi ay wala ng puwedeng maglakad sa lansangan kung gabi. Makikiusap pa sana si Basilio, pero biglang sinambilat ng sakristan mayor si Crispin sa bisig at kinaladkad na papanaog sa hagdanan hanggang sa sila ay lamunin sa dilim. Dinig ni Basilio ang pagpapalahaw ng kapatid. Pero, wala siyang magawa, naiwan itong parang tulala. Ang bawat pagsampal ng sakristan kay Crispin ay sinusundan ng masakit na pagdaing. Nanlaki ang mata at nakuyom ni Basilio ang kanyang palad sa sinapit ng kapatid. Pumasok sa isip na kung kailan siya maaaring magararo sa bukid habang naririning niya ang paghingi ng saklolo ni Crispin. Mabilis na pumanhik siya sa ikalawang palapag ng kampanaryo. Mabilis na kinalag niya ang lubid na nakatali sa kampana at nagpatihulog na padausdos sa bintana ng kampanaryo. Nuon ang langit ay unti-unti ng nagliliwanag sapagkat humihinto na ang ulan

Kabanata XVI 
Si Sisa

Buod 

Ang kadiliman ay nakalatag na sa buong santinakpan. Mahimbing na natutulog ang mga taga-San Diego pagkatapos na makapag-ukol ng dalangin sa kanilang mga yumaong mga kamag-anak. Pero, si Sisa ay gising. Siya ay nakatira sa isang maliit na dampa na sa labas ng bayan. May isang oras din bago narating ang kanyang tirahan mula sa kabayanan. Kapuspalad si Sisa sapagkat nakapag-asawa siya ng lalaking iresponsable, walang pakialam sa buhay, sugarol at palaboy sa lansangan. Hindi niya asikaso ang mga anak, tanging si Sisa lamang ang kumakalinga kay Basilio at Crispin. Dahil sa kapabayaan ng kanyang asawa, naipagbili ni Sisa ang ilan sa mga natipong hiyas o alahas nito nuong sila siya ay dalaga pa. Sobra ang kanyang pagkamartir at hina ng loob. Sa madalang na paguwi ng kanyang asawa, nakakatikim pa siya ng sakit ng katawan. Nananakit ang lalaki. Gayunaman, para kay Sisa ang lalaki ay ang kanyang bathala at ang kanyang mga anak ay anghel. 

Nang gabing iyon, abala siya sa pagdating nina Basilio at Crispin. Mayroong tuyong tawili at namitas ng kamatis sa kanilang bakuran na siyang ihahain niya kay Crispin. Tapang baboy-damo at isang hita ng patong bundok o dumara na hiningi niya kay Pilosopo Tasyo ang inihain niya kay Basilio. Higit sa lahat, nagsaing siya ng puting bigas na sadyang inani niya sa bukid. Ang ganitong hapunan ay tunay na pangkura, na gaya ng sinabi ni Pilosopo Tasyo kina Basilio at Crispin ng puntahan niya ang mga ito sa simbahan. Sa kasamaang palad, hindi natikman ng magkapatid ang inihanda ng ina sapagkat dumating ang kanilang ama. Nilantakang lahat ang maga pagkaing nakasadya sa kanila. Itinanong pa niya kung nasaan ang dalawa niyang anak. Nang mabundat ang asawa ni Sisa ito ay muling umalis dala ang sasabunging manok at nagbilin pa siya na tirahan siya ng perang sasahudin ng anak. Windang ang puso ni Sisa. Hindi nito mapigilan na hindi umiyak. Paano na ang kanyang dalawang anghel. Ngayon lamang siya ngluto, tapos uubusin lamang ng kanyang walang pusong asawa. 

Luhaang nagsaing siyang muli at inihaw ang nalalabing daing na tuyo sapagkat naalala niyang darating na gutom ang kanyang mga anak. Hindi na siya napakali sa paghihintay. Upang maaliw sa sarili, di lang iisang beses siya umawit nang mahina. Saglit na tinigil niya ang pagaawit ng kunduman at pinukulan niya ng tingin ang kadilimang bumabalot sa kapaligiran. Nagkaroon siya ng malungkot na pangitain. Kasalukuyan siyang dumadalangin sa Mahal Na Birhen, ng gulantangin siya ng malakas na tawag ni Basilio mula sa labas ng bahay.

Kabanata XVII 
Si Basilio

Buod 

Napatigagal si Sisa nang dumating si Basiliong sugatan ang ulo. Dumadaloy ang masaganang dugo. Ipinagtapat ni Basilio ang dahilan ng kanyang pagkakasugat. Siya ay hinabol ng mga guwardiya sibil at pinahihinto sa paglakad. Pero siya ay kumaripas ng takbo sapagkat nangangamba siyang kapag nahuli siya ay parurusahan siya at paglilinisin sa kuwartel. Dahil sa hindi niya paghinto siya ay binaril. Dinaplisan siya ng punglo sa ulo. Sinabi din niya sa ina na naiwan niya sa kumbento si Crispin. Nakahinga ng maluwag si Sisa. Ipinakiusap ni Basilio sas ina, na huwag sabihin kanino man ang dahilan ng kanyang pagkakasugat sa ulo. At sa halip ay sabihin na lamang na nahulog siya sa puno. 

Tinanong ni Sisa kung bakit naiwan si Crispin. Sinabi ni Basilio na napagbintangan na nagnakaw ng dalawang onsa si Crispin. Hindi niya sinabi ang parusang natikman ng kapatid sa kamay ng sakristan mayor. Napaluha si Sisa dahil sa awa sa anak. Sinabing ang ma dukhang katulad lamang nila ang nagpapasan ng maraming hirap sa buhay. Hindi nakatikim ng pagkain si Basilio. Kaagad na sinayasat ng ang ina nang malaman na dumating ang ama. Alam niyang pagdumarating ang ama tumitiking ng bugbog ang ina. Nito. Nabanggit ni Basilio na higit na magiging mabuti ang kanilang kalagayan, kung silang tatlo na lamang. Hitsa puwera ang ama. Ito ay pinagdamdam ni Sisa. 

Sa pagtulog ni basilio siya ay binangungot. Sa panaginip niya, nakita niya ang kapatid na si Crispin ay pinalo ng yantok ng kura at sakristan major hangang sa ito ay panawan ng malay tao. Dahil sa kanyang malakas na pagungol, siya ay ginising ni Sisa. Tinanong ni Sisa kung ano ang napanaginipan nito. Hindi sinabi ni Basilio ang dahilan at sa halip , kanyang sinabi kung ano ang balak nito sa kanilang pamumuhay. Ang kaniyang balak ay (1) ihihinto na silang magkakapatid sa pagsasakristan at ipapakaon niya si Crispin kinabukasan din, (2) hihilingin niya kay Ibarra na kunin siyang pastol ng kanyang baka at kalabaw at (3) kung malaki-laki na siya, hihilingin niya kay Ibarra na bigyan siya ng kapirasong lupa na masasaka. 

Sa pagsusuri ni Basilio sila ay uunlad sa kanilang pamumuhay dahil siya ay magsisipag sa pagpapayaman at paglilinang sa bukid na kanyang sasakahin kung saka-sakali. Si Crispin ay mag-aaral kay Pilosopo Tasyo at si Sisa ay titigil na sa paglalamay ng mga tinatahing mga damit. Sa lahat ng sinasabi ni Basilio, si Sisa ay nasisiyahan. Ngunit lihim na napaluha ito sapagkat hindi isinama ng anak sa kanyang mga balak ang kanilang ama.

Kabanata XVIII 
Mga Kaluluwang Naghihirap

Buod 

Napuna ng mga manang na matamlay at tila may-sakit si Pari Salvi ng magmisa kinabukasan. Naruon sa kumbento ang mga manang at manong upang isangguni sa kura kung sino ang pipiliin niyang magsermon sa kapistahan ng bayan. Si Pari Damaso ba? Pari Martin o ang coordinator? Sa kanilang paghihintay, naging paksa sa kanilang usapan ang tungkol sa pagkakaroon ng ‘indulhensiya plenarya,’ na siyang tanging kailangan ng mga kaluluwang nagdurusa sa purgatoryo upang mahango roon. Ang isang karaniwang indulhensiya sa kanilang pagkaalam ay katumbas na ng mahigit na 1,000 taong pagdurusa sa purgatoryo. Ang mga manang na nag-uusap ay pinangungunahan ng isang batang-batang balo, Manang Rufa at Manang Juana. Dahil sa kanilang kaabalahan sa pag-uusap, hindi nila napansin ang pagdating ni Sisa. 

Siya ay mayroong sunong na bakol na puno ng sariwang gulay na pinitas niya sa kanyang halamanan. Mayroon din siyang halamang dagat na katulad ng pako, na paboritong gawing salad ng kura. Suot niya ang kanyang pinakamagandang damit. Tulog pa si Basilio ng umalis siya sa kanilang dampa. Dumiretso si Sisa sa kusina ng kumbento. Inaasahan niya na marinig ang tinig ni Crispin. Ngunit hindi niya ito marinig. Binati niya ang nga sakristan at kawasi sa kumbento. Hindi siya napansin ng mga ito. Kung kaya’t siya na mismo ang nag-ayos sa mga dala niyang gulay sa isang hapag. 

Nakiusap si Sisa sa tagapagluto kung maari niyang makausap ang pari. Pero, sinabi sa kanyang hindi sapagkat may sakit ito. Tinanong niya ang tagapagluto, Kung nasaan si Crispin. Ang sagot sa kanyang tanong ay parang bombang sumabog sa kanyang pandinig: Si Crispin ay nagtanan din pagkatapos na makapagnakaw ng dalawang onsa at pagkawala ng pagkawala ng makapatid. Naipagbigay alam na ng alila sa utos ng kura ang pangyayari sa kwartel. Ang mga guwardiya sibil ay maaring nasa dampa na nina Sisa upang hulihin ang magkapatid, pagdiin pa ng alila. Nangatal si Sisa. Naumid ang labi. Mabilis na tinakpan ang kanyang dalawang tainga nang paratangan siya ng alila na isang inang walang turong mabuti sa mga anak dahil nagmana ito sa ama. Tuliro siyang nagtatakbong nilisan ang kumbento. Gulong-gulo ang isip.

Kabanata XIX 
Mga Suliranin ng Isang Guro

Buod 

Kahit na dumaan ang malakas na bagyo,ang lawa ay hindi gaanong nabagabag. Palibhasa ito ay napapaligiran ng mga bundok. Sa atbi ng lawa, nag-uusap sina Ibarra at ang binatang guro. Itinuro ng guro kay Ibarra kung saang panig ng lawa itinapon ang labi ni Don Rafael. Sang –ayon sa kanya, kasama si Tenyente Gueverra nuong itinapon ang bangkay. Wala siyang tanging magawa nuon kundi makipaglibing. Malaki ang utang na loob kay Don Rafael. Nuong bagong salta ito sa San Diego, ang Don ang tumustos sa kanyang mga pangangailangan sa pagtuturo. Sinabi ng guro kay Ibarra na ang malaking suliranin niya at ng mga mag-aaral ay ang kakulangan ng magagastos. 

Malaki ring problema anya, ang kawalan ng pagtutulungan ng mga magulang at mga taong nasa pamahalaan. Lumilitaw na hindi ang lahat ng mga pangangailangan ng mga batang nag-aaral na katulad ng mga libro na karaniwang nasusulat sa wikang Kastila at ang pagmememorya ng mga bata sa mga nilalaman nito. Dahil din sa kakulangan ng mga bahay-paaralan, ang klase ay ginaganap sa silong ng kumbento sa tabi ng karwahe ng kura. Nasanay ang mga bata na bumasa ng malakas. Ito ay nakakabulabog sa kura, kaya nakakatikim ng sigaw, at mura ang mga bata at guro. Nabanggit din ng guro kay Ibarra na dahil sa pagbabagong kanyang ginawa, madaling natutuhan ng mga mag-aaral ang wikang kastila. Pero siya ay nilait ni Pari Damaso sa pagsasabing ang wikang kastila ay hindi nababagay sa katulad niyang mangmang. Ang kailangan lamang niyang matutuhan ay tagalog. 

Ipinaris pa siya ni Pari Damaso kay Maestro Circuela, isang guro na di marunong bumasa ngunit nagtayo ng eskwela at nagturo ng pagbasa sa kanyang mga estudyante. Labag man sa kanyang kalooban, wala siyang magawa kundi sumunod kay Pari Damaso. Pero, nag-aral din ang guro ng wikang kastila oara sa kanyang oansariling interes. Sobra ang pakialam ni Pari Damaso sa guro. Nang huminto ang guro sa paggamit ng pamalo sa pagtuturo. Siya ay ipinatawag ng kura upang ipabalik sa kanya ang pagagmit ng pamalo saspagkat mabisa ito sa pagtuturo. Tumututol man sa kanyang kalooban, sumunod din siya saspagkat mismong mga magulang ay napahinuhod ni Pari Damaso na ibalik ang pamalo sa pagtuturo,. Dahil ssa naging sukal sa kalooban ang pagtuturo, nagkasakit ang guro. Nang ito ay guamling at bumalik sa serbisyo, kakarampot na lamang ang kanyang tinuturuan. Sa kanyang pagbabalik, nagkaroon ng bagong kura. Hindi na si Pari Damaso. Nabuhayan siay ng pag-asa. Sinikap niyang isalin sa wikang tagalog ang mga aklat na nasusulat sa wikang kastila. 

Bukod dito, dinagdagan niya ang mga aralin sa katesismo, pagsasaka,kagandahang asal na hango sa Urbanidad ni Hustensio at Felisa at sa Kasasysayan mg Pilipinas. Pero, sa lahat ng mga araling ito dapat unahin ang pagtuturo ng relihiyon , ayon sa mga bagong kura nang ipatawag niya ang guro. Nagkomit si Ibarra na tutulungan niya ang guro sa pamamgitan ng pulong sa tribunal na kanyang dadaluhan sa paanyaya ng tinyente mayor.

Kabanata XX 
Ang Pulong sa Tribunal

Buod 

Ang tribunal ay isang malaking bulwagan na siyang pinagtitipunan at lugar na pulungan mga may kapangyarihang mga tao sa bayan. Nang duting sina Ibarra at ang guro, nagsissimula na ang pagpupulong. May dalawang pangkat na nakapaqligid sa mesa. Ito ay binuo ng dalawang lapian sa bayan. Ang conserbador ay pangkat ng mga matatanda. Ang isa naman ay pangkat ng mga liberal na binubuo ng mga kabataan. Ito ay pinamumunuan ni Don Felipo. Pinagtatalunan nila ang tungkol sa pagdaraos ng pista ng San Diego. May labing isang araw na lamang ang nalalabi at pista na. Tinuligsa ni Don Felipo ang tinyente mayor at kapitan dahil malabo pa ang mga paghahanda sa piyesta. 

Kung saan-saan napunta ang kanilang pulong. Nagsalita pa si Kapitan Basilyo,isang mayaman na nakalaban ni Don Rafael. Walang binesa at walang kawawaan ang talumpati niya. Dahil dito,isinahapag ni Don Felipo ang isang mungkahi at talaan ng mga gastos. Ang mungkahi niya ay magtayo ng isang malaking tanghalan sa liwasang bayan at magtanghal ng komedya sa loob ng isang linggong singkad. Ang dulaan ay nagkakahalaga ng P160.00 samantalang ang komedya ay P1,400 na tig-P200. Bawat gabi. Kailangan din ang mga paputok na paglalaanan ng P1,000. Binatikos si Don Felipo sa kanyang mga mungkahi, kung kaya’t iniatras niya ang mga ito. 

Sumunod na nagpananukala naman ay ang kabisa na siyang puno ng mga matatanda. Ang kanyang mungkahi (1) tipirin ang pagdiriwang (2) walang paputok (3) ang magpapalabas ng komedya ay taga San Diego at ang paksa ay sariling ugali upang maalis ang mga masamang ugali at kapintasan. Nawalang saysay din ang panukala ng kabisa sapagkat ipinahayag ng kapitan na tapos na ang pasya na kura na tungkol sa pista.Ang pasya ng kura ay ang pagdaraos ng anim na prusisyon, tatlong sermon, tatlong misa mayor at komedya sa Tundo. Ito ang gusto ng kura, kaya sumang-ayon na lamang ang dalawang pangkat. Nagpaalam si Ibarra sa guro at ipinaalam na siya’y pupunta sa ulumbayan ng lalawigan upang lakarin ang isang mahalagang bagay.

No comments:

Post a Comment