Ang
nobelang "El Filibusterismo" ay isinulat ng ating magiting na
bayaning si Dr. Jose Rizal na buong pusong inalay sa tatlong paring martir, na
GOMBURZA - Gomez, Burgos, Zamora.
Tulad ng
"Noli Me Tangere", ang may-akda ay dumanas ng hirap habang isinusulat
ito. Sinimulan niyang isulat ito sa London, Inglatera noong 1890 at ang
malaking bahagi nito ay naisulat niya sa Bruselas, Belgica. Natapos ang kanyang
akda noong Marso 29, 1891. Isang Nagngangalang Valentin Viola na isa niyang
kaibigan ang nagpahiram ng pera sa kanya upang maipalimbag ang aklat noong
Setyembre 22, 1891. Ang nasabing
nobela ay pampulitika na nagpapadama, nagpapahiwatig at nagpagising pang lalo
sa maalab na hangaring makapagtamo ng tunay na kalayaan at karapatan ang bayan.
Mga Tauhan
§ Simoun – Ang
mapagpanggap na mag-aalahas na nakasalaming may kulay
§ Isagani – Ang
makatang kasintahan ni Paulita
§ Basilio – Ang
mag-aaral ng medisina at kasintahan ni Juli
§ Kabesang Tales – Ang
naghahangad ng karapatan sa pagmamay- ari ng lupang sinasaka na inaangkin ng
mga prayle
§ Tandang Selo – Ama
ni Kabesang Tales na nabaril ng kanyang sariling apo
§ Ginoong Pasta – Ang
tagapayo ng mga prayle sa mga suliraning legal
§ Ben-zayb – Ang
mamamahayag sa pahayagan
§ Placido Penitente – Ang
mag-aaral na nawalan ng ganang mag-aral sanhi ng suliraning pampaaralan
§ Padre Camorra – Ang
mukhang artilyerong pari
§ Padre Fernandez – Ang
paring Dominikong may malayang paninindigan
§ Padre Florentino – Ang
amain ni Isagani
§ Don Custodio – Ang
kilala sa tawag na Buena Tinta
§ Padre Irene – Ang
kaanib ng mga kabataan sa pagtatatag ng Akademya ng Wikang Kastila
§ Juanito Pelaez – Ang
mag-aaral na kinagigiliwan ng mga propesor; nabibilang sa kilalang angkang may
dugong Kastila
§ Makaraig – Ang
mayamang mag-aaral na masigasig na nakikipaglaban para sa pagtatatag ng
Akademya ng Wikang Kastila ngunit biglang nawala sa oras ng kagipitan.
§ Sandoval – Ang
kawaning Kastila na sang-ayon o panig sa ipinaglalaban ng mga mag-aaral
§ Donya Victorina – Ang
mapagpanggap na isang Europea ngunit isa namang Pilipina; tiyahin ni Paulita
§ Paulita Gomez – Kasintahan
ni Isagani ngunit nagpakasal kay Juanito Pelaez
§ Quiroga – Isang
mangangalakal na Intsik na nais magkaroon ng konsulado sa Pilipina
§ Juli – Anak
ni Kabesang Tales at katipan naman ni Basilio
§ Hermana Bali – Naghimok
kay Juli upang humingi ng tulong kay Padre Camorra
§ Hermana Penchang – Ang
mayaman at madasaling babae na pinaglilingkuran ni Juli
§ Ginoong Leeds – Ang
misteryosong Amerikanong nagtatanghal sa perya
§ Imuthis – Ang
mahiwagang ulo sa palabas ni G. Leeds
No comments:
Post a Comment