_#1_
Pagmamahalan
Sagot sa kabangisan
Mundong kay gulo
Sagot sa kabangisan
Mundong kay gulo
_#2_
Ang karunungan
Kayamanan ng buhay
Dapat gamitin
_#3_
Kapalaran ng tao
Hindi mo malilirip
Tadhana pala
_#4_
Pagtatagumpay
Bunga nang kasipagan
Dulot ay saya
_#5_
Ang kalikasan
Ginawa ng Maykapal
Ating ingatan
_________________Madalas kung hawakan
Anaki’y
kaibigan
Hindi
mo alintana
Dulot
sa daliri mo.
- Cellphone -
Madilim
na kapilas
Kasama
na palagi
Mahirap na masukol
Anaki mo ay bantay.
- Anino -
Pilitin
man malirip
Hindi
mo mababadha
Tanging Poong Maykapal
Maka-aarok nito.
- Puso -
Malikot
na magbungkal
Nagpapaikot-ikot
Mapaglaro
tuwina
May tama at may mali.
- Isip -
Ang
pagsintang bubot pa
Parang
apoy mag-alab
Mapusok
ang damdamin
Pahapay-hapay
man din.
- Puppy Love -
No comments:
Post a Comment