Ten.., Twenty.., Thirty.., Forty.., Fifty.., Sixty.., Seventy.., Eighty.., Ninety.., One Hundred!
Bilang na
naabot sa paglalaro ng paborito kong Ten-Twenty o “Chinese Garter”.
Noong bata pa ako, palibhasa ay mahilig akong tumalon at lumukso,
kaya naman naging paborito ko ang
paglalaro ng “Chinese Garter”.
Nag-ipon
pa nga ako ng pera para lang makabili ng goma para may magamit sa
paglalaro nito,
at
kahit ayaw ni Inay na bumili ako ng laste.., ay bumibili pa din ako.
Leny!, ani ni Inay, “kung anu-ano ang pinagbibili mo!.
Imbes
na ipunin mo ang pera!., goma na naman yan!..”
dagdag
pa ni Inay na galit na galit...
Hindi
alintana ang galit na iyon ni Inay, Bumili pa din ako ng goma at naglaro.
Sa
araw-araw na paglalaro nito hindi ko namalayan na pikon na pikon na pala sa akin si
Inay,
dahil simula pagkagising sa umaga hanggang gabi ay puro na lamang paglalaro ang inaatupag ko…
Isang umaga, habang kami ay naglalaro ng Ten-Twenty, gamit ang laste ng aking kalaro..
Si Inay ay nagpapakulo ng tubig.., at bigla niya akong tinawag,

Leny! uwi na ang aga-aga naglalaro ka na naman!... wika ni Inay.
dali-dali akong sumunod at umupo sa hapag kainan..,
Sa hindi
inaasahan.., Biglang nilapag ni Inay ang goma sa lamesa na nakalagay sa pinggan na
umuusok pa, at
sinabi..
Oh! ayan ang almusal mo puro ka kasi laro!.. Kainin mo yan!.
Oh! ayan ang almusal mo puro ka kasi laro!.. Kainin mo yan!.
Nagulat
ako dahil ang paborito kong goma ay pinakuluan ni Inay sa sobrang
inis niya sa akin…,
Napaiyak
na lamang ako dahil bukod sa paborito kong laruan iyon ay gutom na din ako….
Kinabukasan,
parang walang nangyari, laro uli, talon dito…, lukso doon…,
at hindi pa ako nakuntento sinubukan ko din ang iba-ibang exhibition sa larong Chinese Garter…
Hanggang sa isang pangyayari…,
at hindi pa ako nakuntento sinubukan ko din ang iba-ibang exhibition sa larong Chinese Garter…
Hanggang sa isang pangyayari…,
Blag! Bumagsak ako sa semento, at napangudngod ang noo…
Aray ko po! Hu..hu..hu.. ang
nasabi ko…
Bukol
sa noo kong malapad ang napala sa paglalaro ng Ten-Twenty.
Magmula
noon, hindi ko na ito makalimutan, dahil sa sakit ng lagapak sa semento..
Unti-unting nabawasan ang paglalaro ng Chinese Garter at hanggang sa tuluyang ko nang itinigil ang paglalaro nito..
Unti-unting nabawasan ang paglalaro ng Chinese Garter at hanggang sa tuluyang ko nang itinigil ang paglalaro nito..
No comments:
Post a Comment