Sinimulang
sulatin ni Dr. Jose P. Rizal ang mga unang bahagi ng "Noli Me
Tangere" noong 1884 sa Madrid noong siya ay nag-aaral pa ng
medisina. Nang makatapos ng pag-aaral, nagtungo siya sa Paris at doon
ipinagpatuloy ang pagsusulat nito. At sa Berlin natapos ni Rizal ang
huling bahagi ng nobela. Ang pagsusulat ng "Noli Me Tangere" ay
bunga ng pagbasa ni Rizal sa "Uncle Tom's Cabin" ni Harriet Beacher
Stowe, na pumapaksa sa kasaysayan ng mga aliping Negro sa kamay ng mga
panginoong puting Amerikano. Inilarawan dito ang iba't ibang kalupitan at
pagmamalabis ng mga Puti sa Itim. Inihambing niya ito sa kapalarang sinapit ng
mga Pilipino sa kamay ng mga Kastila.
Sa simula, binalak ni Rizal na ang bawat bahagi ng nobela ay ipasulat sa ilan niyang kababayan na nakababatid sa uri ng lipunan sa Pilipinas at yaon ay pagsasama-samahin niyang upang maging nobela. Ngunit hindi ito nagkaroon ng katuparan, kaya sa kabila ng kabiguang ito, sinarili niya ang pagsulat sa nobela. Ipinaliwanag ni Rizal sa kanyang liham sa matalik niyang kaibigang si Dr. Ferdinand Blumentritt ang mga dahilan kung bakit niya isinulat ang "Noli." Ang lahat ng mga ito ay maliwanag na inilarawan sa mga kabanata ng nobela.
Ang pamagat ng "Noli Me Tangere" ay salitang Latin na ang ibig sabihin sa Tagalog ay "Huwag Mo Akong Salingin" na hango sa Ebanghelyo ni San Juan Bautista. Itinulad niya ito sa isang bulok sa lipunan na nagpapahirap sa buhay ng isang tao.
Mga Tauhan
Sa simula, binalak ni Rizal na ang bawat bahagi ng nobela ay ipasulat sa ilan niyang kababayan na nakababatid sa uri ng lipunan sa Pilipinas at yaon ay pagsasama-samahin niyang upang maging nobela. Ngunit hindi ito nagkaroon ng katuparan, kaya sa kabila ng kabiguang ito, sinarili niya ang pagsulat sa nobela. Ipinaliwanag ni Rizal sa kanyang liham sa matalik niyang kaibigang si Dr. Ferdinand Blumentritt ang mga dahilan kung bakit niya isinulat ang "Noli." Ang lahat ng mga ito ay maliwanag na inilarawan sa mga kabanata ng nobela.
Ang pamagat ng "Noli Me Tangere" ay salitang Latin na ang ibig sabihin sa Tagalog ay "Huwag Mo Akong Salingin" na hango sa Ebanghelyo ni San Juan Bautista. Itinulad niya ito sa isang bulok sa lipunan na nagpapahirap sa buhay ng isang tao.
Mga Tauhan
§ Crisostomo Ibarra – Binatang
nag-aral sa Europa; nangarap na makapagpatayo ng paaralan upangmatiyak ang
magandang kinabukasan ng mga kabataan ng San Diego.
§ Elias – Piloto
at magsasakang tumulong kay Ibarra para makilala ang kanyang bayan at ang mga
suliranin nito.
§ Kapitan Tiyago – Mangangalakal
na tiga-Binondo; ama-amahan ni Maria Clara.
§ Padre Damasco – Isang kurang
Pransiskano na napalipat ng ibang parokya matapos maglingkod ng matagal na
panahon sa San Diego.
§ Padre Salvi – Kurang
pumalit kay Padre Damaso, nagkaroon ng lihim na pagtatangi kay Maria
Clara.
§ Maria Clara – Mayuming
kasintahan ni Crisostomo; mutya ng San Diego na inihimatong anak ng
kanyang ina na si Doña Pia Alba kay Padre Damaso
§ Pilosopo Tasyo – Maalam
na matandang tagapayo ng marurunong na mamamayan ng San Diego.
§ Sisa – Isang
masintahing ina na ang tanging kasalanan ay ang pagkakaroon ng asawang pabaya
at malupit.
§ Basilio at Crispin – Magkapatid
na anak ni Sisa; sakristan at tagatugtog ng kampana sa simbahan ng San
Diego.
§ Alperes – Matalik
na kaagaw ng kura sa kapangyarihan sa San Diego
§ Donya Victorina – Babaing
nagpapanggap na mestisang Kastila kung kaya abut-abot ang kolorete sa mukha at
maling pangangastila.
§ Donya Consolacion – Napangasawa
ng alperes; dating labandera na may malaswang bibig at pag-uugali.
§ Don Tiburcio de Espadaña – Isang
pilay at bungal na Kastilang napadpad sa Pilipinas sa paghahanap ng magandang
kapalaran; napangasawa ni Donya Victorina.
§ Linares – Malayong
pamangkin ni Don Tiburcio at pinsan ng inaanak ni Padre Damaso na napili niya
para mapangasawa ni Maria Clara.
§ Don Filipo – Tinyente
mayor na mahilig magbasa na Latin; ama ni Sinang
§ Señor Nol Juan – Namahala
ng mga gawain sa pagpapatayo ng paaralan.
§ Lucas – Taong
madilaw na gumawa ng kalong ginamit sa di-natuloy na pagpatay kay Ibarra.
§ Tarsilo at Bruno – Magkapatid
na ang ama ay napatay sa palo ng mga Kastila.
§ Tiya Isabel – Hipag
ni Kapitan Tiago na tumulong sa pagpapalaki kay Maria Clara.
§ Donya Pia – Masimbahing
ina ni Maria Clara na namatay matapos na kaagad na siya'y maisilang.
§ Iday, Sinang, Victoria,at Andeng – Mga
kaibigan ni Maria Clara sa San Diego
§ Kapitan-Heneral – Pinakamakapangyarihan sa
Pilipinas; lumakad na maalisan ng pagka-ekskomunyon si Ibarra.
§ Don Rafael Ibarra – Ama
ni Crisostomo; nakainggitan nang labis ni Padre Damaso dahilan sa yaman kung
kaya nataguriang erehe.
§ Don Saturnino – Nuno
ni Crisostomo; naging dahilan ng kasawian ng nuno ni Elias.
§ Mang Pablo – Pinuno
ng mga tulisan na ibig tulungan ni Elias.
§ Kapitan Basilio – Ilan
sa mga kapitan ng bayan sa San Diego Kapitan Tinong at Kapitan Valentin
§ Tinyente Guevarra – Isang
matapat na tinyente ng mga guwardiya sibil na nagsalaysay kay Ibarra ng tungkol
sa kasawiang sinapit ng kanyang ama.
§ Kapitana Maria – Tanging
babaing makabayan na pumapanig sa pagtatanggol ni Ibarra sa alaala ng
ama.
§ Padre Sibyla – Paring
Agustino na lihim na sumusubaybay sa mga kilos ni Ibarra.
§ Albino – Dating
seminarista na nakasama sa piknik sa lawa.
No comments:
Post a Comment